Kung gusto mo maging matagumpay ay kailangan mo magsumikap yan ang sinasabi ng lahat ng nakaraos sa hirap dahil ang pinaka-sangkap sa tagumpay ay ang pagiging masikap sa buhay.

Dahil marami ang taong nagtagumpay na ngayon ngunit dati ay nakaranas din mg hirap. Tulad na lang nito na isa ng Scientist ngayon na dati ay isa palang batang kalye.

Siya si Fernando Kuehnel isang Scientist sa ibang bansa. Kung dati ay hirap na hirap siya sa buhay at pagala-gala sa kalye ngayon y isa na siyang matagumpay na Scientist.

Ayon sa kanya 6 na taong gulang palang siya noong hindi niya na kapiling ang kanyang magulang inabandona silang magkapatid at iniwan sa bahay ampunan.

Apat na taon ang nakalipas ng siya ay iwan sa bahay ampunan tumakas siya dito at sa edad ng 10taon ay nanirahan na siya sa kalye o lansangan.

Pawang sa basurahan lang siya kumukuha ng kanyang makakain at sa kariton naman siya natutulog, nang siya ay tumungtong ng 13 taong gulang bumalik siya sa bahay ampunan dahil nabalitaan niyang may aampon na Amerikano sa kanyang kapatid at dadalahin ito sa Amerika.

Hindi naman naging maganda ang tanggap ng kapatid niya sa Amerikanong umampon dito kaya naman ito ay ibinalik sa bahay ampunan.

Makalipas lang ang ilang araw ay may magandang balita para sa magkapatid dahil may aampunan sa kanila at dadalhin sila sa Amerika. Ang aampon daw sa kanila ay ang pamilyang Kuehnel.

Napaswerte naman ang magkapatid dahil itinuring silang tunay na mga anak st kapamilya ng pamilyang Kuehnel.

Pinag-aral pa sila ng Pamilya kuehnel si Fernando ay kumuha ng Nursing at ang kapatid naman niya at kumuha ng Business Administration.

Nang magtapos ang magkapatid ay parehas silang nakakuha ng award at ito ay bilang Summa Cum Laude. Makalipas lang din ang ilang taon at naging isang Clinical Scientist si Fernando sa Novartis.

Sa ngayon si Fernando ay may sarili nang pamilya at sila ay masayang naninirahan sa Dania Beach, Florida.

Patunay lamang ito na kahit anong pagdaanang hirap sa buhay ay wag kang susuko katulad ni Fernando may mga biyaya at suwerte na dadating sayo at ang magpapabago saiyong buhay.

Ang kailangan lang ay magtiwala at manalig sa Panginoon at samahan ito ng pagsusumikap at pagpupursige sa iyong pangarap.