Madaming mga bata ang namumulat sa realidad sa murang edad pa lamang. Dala ng pagkaulila o hirap ng buhay ay kinakailangan na nilang pasanin ang mabibigat na responsibilidad. Pero ilan lamang din sa kanila ang kinakaya ang ganitong pamumuhay.

Kagaya na lamang ng isang batang ito na natutong mabuhay at bumangon mag- isa matapos mawala ang kaniyang mga inaasahang pamilya.

Nakilala ang batang ito bilang si Dang Van Khuyen na 10 taong gulang pa lamang na nakatira sa bansang Vietnam. Nabuhay siya sa isang kahanga hangang pamamaraan.

Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga gulay, siya ay nakakakain, nakakapag aral at nabubuhay. Sinabing maagang naulila si Dang sa kaniyang ina habang ang kaniyang ama ay kinakailangang magtrabaho sa ibang lugar kaya naman naiwan na lamang siya sa kaniyang lola.

Payak at simpleng pamumuhay ang nakasanayan ni Dang sa piling ng kaniyang lola. Minsan lamang din magpadala ng pera ang kaniyang ama para sa kaniyang pagsuporta.
Nakakalungkot lamang na binawian nang buhay ang kaniyang lola na kaisa- isang nag aalaga at nag aaruga sa kaniya dala ng katandaan. Hanggang sa nabalitaan din na sumalangit na din ang kaniyang ama dahil sa aksidente.


Wala nang natira kay Dang kung hindi ang sarili ngunit hindi naging hadlang ang lahat ng iyon para siya ay sumuko. Binuhay ang kaniyang sarili at hindi nagpabaya sa pag- aaral.Nang malaman ng pinapasukang eskwelahan ni Dang ang kaniyang sitwasyon, agad naman silang sumaklolo mula sa paglikom ng pera upang matulungang makauwi ang katawan ng kaniyang ama at mailibing malapit sa kanila. Sinubukang dalhin si Dang sa bahay ampunan pagkat pinaniniwalaan nilang mas mabuti ang magiging lagay nito doon ngunit si Dang na mismo ang nagdesisyon na nais niyang mabuhay ng mag- isa sa pagtatanim ng gulay at pag- papaaral sa sarili.

Ang kahanga- hangang 10 taong gulang na ito ay umani ng papuri mula sa maraming netizens.