Kilala si Rustom Padilla bilang BB Gandanghari na kilala bilang isang aktor, modelo, entertainer, komedyante at director sa industriya ng showbiz. Sa kasalukuyan ay naninirahan siya sa ibang bansa at hindi kasama ang kaniyang pamilya.

Matatandaang 11 taon nang nakalilipas nang maging ganap na transgender ang aktor. Kaya naman nakatanggap ito ng iba’t ibang reaksyon at komento ukol dito.

Kagaya na lamang ng naging pahayag ng kapwa komedyanteng si Vice Ganda na kung saan ay hindi naging maganda sa kaniyang pandinig nang mapanuod ang panayam nito sa TV Patrol ukol sap ag babagong kasarian ni BB Gandanghari.

Kinuwestiyon umano ni Vice ang desisyon ni BB sa kaniyang pagiging transgender na kaniya na ibinahagi niya naman ngayon sa kaniyang vlog.

Sinabi ni Vice na hindi daw proud si BB sa kaniyang kasarian noon at dinamay niya pa ang desisyon nito sa pagpasok sa isang modeling school sa bansang New York.

Sinagot naman ito ni BB Gandanghari sa kaniyang vlog at sinabing “ Ayaw mong tanggapin ang pagkababae ko, kukuwestyunin mo. Eh, wala ka naman palang sense. Masuwerte ka at sumikat ka, dahil bobita ka. ‘Yun lang ang masasabi ko sa iyo”.

Dagdag pa niya, “Anong ibig mong sabihin na ang pagiging babae ay sinasarili? Ano parang ikaw> pagdating sa kwarto ay naka- bra ka gano’n? Ipokrita!”.