Kilala si Carla Angeline Reyes Abellana, 34 taong gulang bilang isang magaling, maganda at sexy na aktres ngunit ilang mga larawan niya ang kumalat na kung saan tila biglaan ang paglobo ng kaniyang katawan.

Ito ay binigyan niya ng linaw sa isang panayam sa online interview sa “Just In” na kung saan isinapubliko niya ang tunay na dahilan sa patuloy na pagdagdag ng kaniyang timbang.

Sinabi ni Carla sa kaniyang pahayag, simula noong Agosto at noong sumunod pang mga buwan, napansin niya din ang hindi maipaliwanag na pagtaba ng kaniyang katawan.

Nagsimula pa lang din daw noon ang kanilang bagong proyekto na “”Love of My Life” na kung saan sa loob ng 4 na buwan ay nadagdagan na siya ng 26 pounds.

Laking pagtataka naman daw niya pagkat nag eehersisyo naman siya tatlong beses sa isang linggo at kumakain ng tama na may sinusundang diet plan.

Agad siyang nagpakunsulta sa doctor upang malaman ang kaniyang tunay na kalagayan

Sinabi ng doctor na manghingi ng second opinion upang makumpirma ang kaniyang sakit. Natuklasa na mayroon pala siyang sakit sa kaniyang atay na tinatawag na “Hypérthyrøidism”.

Bukod pa sa ikinabahala ng mga taga hanga ay ang kaniyang sakit na “Asthmå”.

Gayun pa man, sinabi naman ni Carla na hindi niya pinababayaan ang kaniyang sarili at sinisigurong umiinom ng gamot.

Isang magandang balita na bumubuti na ang kaniyang karamdaman at higit pa doon ay hindi niya nakakaligtaang magpakonsulta sa doctor kahit pa maganda na ang kalagayan.