Ngayong panahon ng pandemiya nasubukan ang pagiging makatao at pagkakawanggawa ng mga Pilipino.

Maraming may mabubuting puso na nagpaabot ng mga tulong para sa mga kababayan natin na labis na nangangailangan ng tulong dahil sa kinahaharap na krisis ng ating bansa.

Kaya naman sa lahat ng mga tumutulong natin kababayan nararapat lamang na sila ay pasalamatan at bigyan nang pagpupugay dahil isa sila sa mga bagong bayani na nagbibigay ng tulong na walang hinihinging kapalit.

Tulad nalang ng isang customer na ito na umorder sa isang Grab Food rider. Ayon sa Rider na si Markgianlyn M. Berdan may isang customer daw na sa kanya ay nagbook at nag-orer ng 30 hamburgers sa isang sikat na burger joint.

At nang ma process na ang order ng customer at ready to deliver na ay agad daw nagmessage ang customer at sinabing hindi na kailangan pang ideliver sa kanya ang mga burger at nakiusap na ipamigay ito sa mga madadaanang nagugutom at magtira lamang ng 5 pirasoo para maiuwi ng rider sa pamilya nito.

Noong una ay hindi naniniwala ang grab food rider at parang nagulat ito at sinabing baka daw siya ay kasuhan. Ngunit tiniyak ng customer nito na totoo ang kanyang sinabi at dinagdag pa nito na lagi daw niya itong ginagawa.

Bagamat hindi pinangalanan ng Rider na si Berdan ang kanyang customer dahil sa request na rin nito sa kanya na hindi kailangan pa ng pangalan ay Labis ang pasasalamat ni Berdan sa kanyang customer.

“Maraming Salamat sa customer ko kanina ang bait niyo po”. Pahayag ni Berdan.

Sa kanya namang social media na Facebook, Ibinahagi ni Berdan ang naging pag-uusap nila ng kanyang mabait na customer. At nagpapadala rin si Berdan ng mga larawan na patunay na inaabot niya sa mga taong nagugutom sa kalye ang mga burgers na inorder nito.

Ngunit sinabi naman ng customer na hindi niya na kailangan pang makita ang picture dahil may tiwala naman daw siya sa mga grab rider.

At dahil sa pangyayaring ito agad-agad umanio ng maraming paghanga at papuri ang rider na si Berdan at ang kanyang mabait na customer mula sa mga netizens. Ang naturang post na ito ni Berdan ay umaabot na ng 10k reactions, 8k shares at 5k comments.