Sabi nila, madami daw ang mag babago sa panahon na ikaw ay ikasal na at mag karoon na ng pamilya.

Ngunit gayon pa man, nasa sa iyo kung paano mo pang hahawakan ang pagiging pamilyadong tao.

Hindi ka patitinag sa kung ano man ang sabihin sa iyo ng iba basta’t ang mahalaga ay masaya ka kasama ng binuo mong pamilya.

Madaming pagsubok na ang dumating sa buhay ng dating aktres na si Nina Jose kaya naman napaka-laking blessing para sa kaniya ang kaniyang asawa at anak na si Antonio na pinag kukuhanan niya ng lakas at nag papaligaya sa kaniya sa kasalukuyan.

Maaalalang matapos maevict si Nina sa PBB: Teen Edition 1 ay agad naman siyang sumabak sap ag aartista at doon ay ipinamalas niya ang kaniyang angking galing sa pag-arte.

Madami ang humanga dito at sunod sunod nang nag bukas ang mga pinto para sa kaniyang mga bagong proyekto.

Hanggang na hindi na muling nasilayan si Nina sa telebisyon iyon pala, siya ay nakapag asawa na siya ng CEO ng Stradcom Corporation na isa sa pinaka malaking IT Company sa Pilipinas na si Mayor Quiambao na at talaga namang kuntento na sa kung anong mayroon siya.

Habang si Nina naman ay isa nang Chairperson ngayon sa Local Council of Women (LCW).

Bagamat malayo ang agwat ng edad nilang mag asawa, hindi iyon naging hadlang sa kanila. Pagkat nais din naman daw ni Nina ng lalaking mas matured sa kaniya.