Sa panahon ngayon halos lahat tao ay gumagamit na ng internet kaya naman marami sa atin ang pinapasok ang pag o-online selling lalo na ngayon na may Pand3miya dulot ng C0’VID.

Halos lahat ay nag oonline business dahil dito mababawasan ang pagkakaroon ng physical contact na nagdudulot ng malaking tyansa na magkaroon ng sakit o bayrus.

Isa pang magandang dulot ng online business o online shopping ay mismong seller na ang maghahatid o magdedeliver ng iyong order sa mismong bahay mo kaya naman para sa mga taong ayaw lumabas ng bahay at natatakot malaking tulong ito para sa kanila na makabili ng gusto nila ng hindi na kailangan pang umalis.

Para naman sa mga sellers kinakailangan ito ng sipat at tiyaga, Kung ikaw ang tipong sellers na puno ng dedikasyon at determinado kumita ay malaki ang tyansa mo na ikaw ay magtagumpay.

Samantala, Kung meron mababait na buyers ay meron din naman na mga nagsasamantala at nanloloko na buyer tulad na lang ng isang pangyayari na usap-usapan ngayon sa social media.

Ayon sa post ng netizen sa Facebook na si Bea Aspiras, Nakita daw niya ang isang delivery boy na naghintay ng matagal at babad sa initan sa harap ng labas ng bahay ng customer mapapansin din niyang sobrang pagod na pagod at nahihirapan na ang delivery boy sa matagal nitong paghihintay at nakabilad sa araw.

“Nakita ko si Manong rider sa labas ng ganito almost 1hr din syang nag hintay dun sa customer. Honestly, nakakaawa talaga sila makitang ganito lalo na`t pag nakita mo yung itsura nila na halatang pagod na.

Nung lumabas yung customer, binati sya ni Manong nang nakangiti. And hes old na guys but still manage to do his job. Kudos to you Manong.

Kaya guys, di nila deserve saktan at murahin. They`re patiently waiting for us to get our order/s , yung ibang customers lang talaga walang patience minsan.. di po natin alam kung ano lagay nila sa kalsada, respeto nalang po sa trabaho nila” Ayon sa kabuuang post ni Bea.

Dahil sa post na ito ni Bea maraming ang mga netizens ang nag paabot ng mga komento at reaksyon narito ang iba sa kanila:

“Ako never ko pinaghihintay talaga yung mga nagdedeliver. Ako pa mismo nag hihintay, kase excited ako hahaha” Tine Belizon.

“Nagguilty paren ako until now kase napahirapan ko si kuyang nagdeliver ng inorder ko online kase mali pala ako ng address na nabigay” Mice Barts.

“They deserve a salute. Saludo sayo Manong” Omar Pacasum.

Talaga naman nakakaawa nga si manong ngunit nakakabilib dahil sa pagiging propesyonal niya sa kanyang trabaho at na panatili niyang maging mahinahon sa kabila ng mga pangyayari.

Sana naman ay maging isang aral to para sa iba na halimbawa ay mangyari na matagalan o malate ang kanilang order ay maging maunawain dahil hindi rin biro ang kanilang trabaho at kung tutuusin hindi sapat ang maliit na kita nila para sa kanilang buhay.