Sa pagtagal ng panahon, ang buhay ay pahirap ng pahirap. Tunay ngang hindi patas ang mundo ngunit napaka mapagbiro ng tadhana.

May mga taong hindi pinapalad na ipanganak ng mayaman kaya naman napipilitan silang mag banat ng buto nang sa gayon ay masuportahan ang kanilang pamilya o hindi kaya man ay maiangat ang kanilang buhay kahit na sa maliit na pagbabago lamang.

Ngunit ang iba ay tila kahit ibuhos pa nila ang kanilang buhay sa pagtatrabaho, hindi pa din magawang makaipon dahil na nga sa dami ng gastusin at kailangang unahin.

Sabi nga, hindi natutulog ang Diyos na kung saan mayroon at mayroon siyang ibibigay na tao sa iyo para tumulong.

Nag viral ang vlog nina Dimples Romana na kung saan sinurpresa nila ng kaniyang asawa ang kanilang 17 taon nang kasambahay na si Ate Vilma. Noong una ay sinabi lamang nila kay Ate V na mayroon lamang pupuntahang property.

Nang makarating na sa bahay, hindi sukat akalain ng kasambahay na ang mismong kaniyang pinuntahan, nakikita at kinatatayuan ay sa kaniya pala! Ito ay regalo nina Dimples at kaniyang asawa kapalit ng pagiging mapagkakatiwalaan, mapag mahal at maalagang kasambahay.

Saad ni Dimples, matagal na daw itong pinag dadasal at pinag iipunan ni Ate V, panahon na para tuparin ang dating pangarap lamang. Kitang kita naman kung paano ituring ni Dimples ang kaniyang kasambahay bilang isa na ding miyembro ng pamilya.