Sabi nga nila, hindi naman daw paunahan ang pagtatapos ng pag- aaral. Ngunit ang ibang estudyante ay mayroong sariling kagustuhan patungkol sa kanilang lalakbaying daan. Nais nilang makipag sapalaran kahit pa nahihirapan.

Dahil sa makabagong inimplementang Sistema ng pag- aaral sa gitna ng pandemya, madaming estudyante ang nag dalawang isip kung sila ba ay magpapatuloy dala na nga na ang lahat ay wala namang kakayanang mag online class habang ang iba naman ay walang mag tuturo sa kanila kung sakali mang sila ay mag momodular.

Naging inspirasyon si ang first year college student na si Jonica Lou Eugenio na kung saan sa puntod siya ng kaniyang yumaong lola nag oonline class sa kadahilanang maayos at malakas ang signal doon.

Ayon sa kaniyang ina, siya daw ay consistent honor student at masipag na mag- aaral talaga.

Tunay na mayroon siyang iba pang pagpipilian kagaya ng internet café o coworking spaces ngunit nangangamba siya dahil madaming tao na din ang gumagamit doon.


Mabuti na lamang at ang kaniyang kapatid na si James Fuentes Eugenio ay nakatira malapit sa sementeryo kaya naman palagi niya itong kasa- kasama.

Araw- araw ay gumigising si Jonica ng 5:30 para maghanda sa kaniyang online class at bumabyahe mula San Antonio, Nueva Ecija hanggang sa sementeryo.

Noong una ay natatakot pa daw si Jonica ngunit para sa kaniyang pag- aaral ay nakasanayan na din niya ang ganitong Sistema.

Minsan ay naiinggit din daw si Jonica sa kaniyang mga kaklase na kung saan gumigising ng 7:30 ng umaga at hindi na kailangang umalis pa. samantalang siya, kinakailangan niyang gumising ng maaga kahit pa puyat sa kakagawa ng mga school works.