Dahil sa paglaganap ng bayrus, ang bawat tao ay natatakot nang lumabas sa kani- kanilang bahay.

Aminin man natin hindi, sanay tayong mag gala at maki- salamuha sa ibang tao. Mahirap para sa atin tanggapin naang buhay ngayon ay hindi na tulad ng buhay sa noon.

Mabuti na lamang at naimbento ang online shopping at mga food delivery apps na kung saan naging malaking bagay para sa lahat.

Hindi mo na kailangan pang lumabas upang makain ang nais mong kainin o hindi kaya man ay ang mga [email protected] na iyong paborito sa mga restaurant o fast food chain pa iyan.

Ngunit sa kabilang banda, kung gaano kalaki ang responsibilidad ng isang food delivery rider ay siyang laki din ng kanilang sakripisyo.

Una na ang kailang kalusugan pagkat sila ang nakakahawak ng pera at nakikipag usap upang maka-order.

Kagaya na lamang ng Food Panda delivery rider na ito sa Malaysia na kung saan tumumba siya sa kaniyang sinasakyang motorsiklo para sana mag deliver ng order ng customer.

Malakas ang ulan noon at basing basa ang daan kaya naman hindi Malabo na madulas ang gulong ng mga sasakyan.

Halatang malakas ang kaniyang pagkakabagsak dahilan ng pagkasakit ng kaniyang katawan ngunit nakakagulat lamang na mas inuna niyang tingnan ang mga pagkain imbis na ang sariling kalagayan.

Muling tumayo ang rider upang magpatuloy sa pagtatrabaho. Malamang ay mas mahalaga ang pananatili niya sa trabaho kaysa ang kaniyang sarili.