Sa mga nagdaang buwan ay marami ang nagtatanong kung gaano ba talaga kayaman ang isang Sarag Geronimo at bakit ito bantay na bantay noon ni Mommy D.

Kailan lang ay naglabas ang online resources ng mga estima nilang yaman ng mga Pulitiko businessman at maging artista.

Isa si Sarah Geronimo sa napabilang na pinaka mayayaman. Mula sa yaman niya dati na $10 million (P509.52Million) na ngayon at umabot na sa $75 Million o 3.2 Billion Pesos!

Simula 2010 ay isa na si Sarah Geronimo na nasa listahan na inilalabas ng Bureau of Internal Revenues na pinakamamamali ang nagiging buwis dito sa ating bansa hanggang 2016.

Ayon sa BIR noong 2009ay umabot sa 4.9 million pesos ang naging buwis ng aktres at sa sumunod na taon namang iyon 2010 ay umabot sa 14.8 million pesos ang naging buwis ni Sarah sa kinita niya ng taon nayon na may halos 47 Million pesos .

Taong 2011 naman ay nawala si Sarah sa listahan ng BIR na may pinaka malaking buwis ng taon na iyon.

Samantala pagsapit ng 2012 ay napabilang ulit si Sarah sa BIR list nasa pang 59 siya sa top tax payer ng taon na yon na umabot sa 19 Million pesos ang kanyang buwis sa kinita niya ng taon na yon na 57 Million pesos.

Sa mga sumunod ding taon na yon ay napasama din si Sarag sa BIR Top tax payer taong 2013 may buwis siyang 16.2 million, taong 2014 ay may 21.5 million pesos siyang buwis.

At taong 2016 ay natigil naman ang pag lalabas ng BIR ng mga top tax payer dahil daw para sa seguridad at kaligtasan ng mga top tax payer.

Ngunit kung tatanungin mo kung magkano kaya ang naging kita at buwis ni Sarah ng taon na yon dahil yung taon na yon ay lalong dumami ang commercial at proyekto ng aktres tulad nalang ng isa niyang Pelikula niyang “Finally found someone” na kumita ng 315 million pesos noong 2017.

Isa pa diyan ang mga commercial niya na tulad ng colagte, shopee, bear brand at marami pang iba, sa mga nagdaang taon na din yon pumirma si Sarah ng contract para maging Judge or Coach sa dalawang pinakasikat sa bansa na singing talent search noon na “The Voice Kids” at “The Voice Teens”.

Kung tutuusin ay sobrang yaman na talaga ni Sarah Geronimo ngayon mula noong 2010 na may yaman siyang $10 million na umabot na sa $75million sobrang layo na talaga ng narating ni Sarah G.

Pero hindi naman kataka-taka ito dahil sa kanyang Galing, Sipag at Ugali ay hindi malabong maabot niya lahat ito.

Isa si Sarah Geronimo sa mga artistang hindi nagbago simula ng siya ay nasa baba hanggang siya nasa tuktok na ng tagumpay.

Kaya kung nasaan man siya ngayon ay karapatdapat lang iyon dahil kanyang pinaghirapan ang lahat ng iyon. Deserve niya din maging masaya sa kanyang buhay lalo na ang kanyang buhay pag-ibig.