Ang isang mahigpit na yakap ang isa sa nakapag papahilom sa mga sugat na matagal nang dinadamdam. Ito din ay isang simbolo ng pagmamahal at pagkalinga sa iyong kapwa.

Anon a lamang ang iyong gagawin kapag nakita mo na ang taong matagal monang hinahanap? Malamang sa malamang ay hindi mo malaman ang iyong mararamdaman sa sobrang saya o kaya man ay surpresa.

Isang video ang nag viral sa social media mula sa netizen na si Ric Oliver na na kaniyang nakuhanan sa Pateros Latagan Night.

Mapapanuod sa video na ito kung paano niyakap ng biglaan ng isang ginang ang taong grasa na nakaupo sa gilid na mayroong napaka duming kasuotan.

Kwento niya, ang taong grasa na iyon ay tahimik na tumabi malapit kila Ric ngunit hinayaan na lamang nila ito pagkat wala namang ginagawang masama sa kanila.

Ilang sandal pa ang lumipas nang biglang napadaan ang isang ginang at paulit- ulit niyang tiningnan ang palaboy.

Hanggang sa ito ay niyakap niya ng pagkahigpit- higpit na gumulat naman kila Ric. Narinig nila ang sambit ng ginang habang humahagulgol na “Kuya naalala mo pa ba ako?”

Agad naman ding kinuha ang kaniyang telepono upang tumawag at sinabing “Nay! Nakita kin a po si Kuya. Hindi po ako papasok, iuuwi ko ba siya diyan?”

Napaka sarap pagmasdan ng pamilyang nabuong muli matapos nilang magkawatak watak.