Sa ating mga Pilipino, noon pa lamang ay uso na ang mga kwento patungkol sa mga engkanto at lamang lupa. Hindi maiaalis sa atin ang mga ganitong paniniwala lalo pa at hmay hindi maipaliwanag na pangyayari sa ating paligid.

Kagaya na lamang ng kwento na naibahagi sa Kapuso Mo Jessica Soho o KMJS na kung saan isang misteryosong higanting punso ang tumubo sa loob ng bahay sa Leganes Ilo-ilo na sinakop ang kanilang sala at kusina pagkat ito ay may sukat na 6 feet at 5 metro naman ang lapad.

Taong 1989 pa nang nang tirahan ito ni Tatay Emilio na dati namang shelter ng isang non- government organization. Noon daw ay isa lamang itong maliit na tipak na kaniyang tinabunan sa kaniyang bakuran hanggang sa hindi inaasahan ang paglaki nito.

Umabot sa loob ng bahay ang punso at halos sirain na ang ilang parte ng kanilang bahay. Ngunit simula daw nang tumubo ang higanteng punso, hindi na daw napigilan ang mga swerteng pumasok sa kanilang buhay.

Ang bahay na ito ay ipinamana ni Tatay Emilio sa kaniyang anak na si Rodelio na asawa ni Baby. Sila ay nag simulang manirahan dito noong 32013. Ilang buwan pa lamang ng kanilang pananatili ay mayroon nang nagpaparamdam sa kanila.

Ingat nan gat silang huwag masagi ito upang hindi magambala ang kung ano mang nananahan rito. Tuwing unang Biyernes naman ng buwan ay inaalayan nila ito ng pagkain na inilalapag sa maliit na altar na nasa harap ng Punso.

Ito ay binusisi ng agricultural department at doon napag alaman na ang punso ay naglalaman ng mga nay na delikado sa kanilang bahay lalo na sa mga kahoy. Pinayuhan silang ipagiba ang punso o hindi kaya man sila ay lumikas sa mismong bahay para na sa kanilang kaligtasan.

Pinili ng pamilyang panatilihin ang higanteng punso bilang respeto na din sa kanilang paniniwala sa mga engkanto.