Ang disyerto ay ang pinaka tuyot na lugar sa buong mundo. Dahil sa angkin nitong hindi pangkaraniwang kondisyon ng panahon, bilang lamang ang mga nilalang na mkakatagal sa lugar na iyon.

Dahil ito nga ang pinakatuyot na lugar, maaaring ilan lamang sa lugar ang matatagpuang may tubig.

Marahil iyon ang dahilan kung bakit bigla na lamang lumitaw ang isang mala ilog sa disyerto na nakapukaw ng pansin s mga netizens.

Makikita sa video na inupload ng Viral TRND sa kanilang Facebook Page, ang ilog na iyon ay tinatawag bilang Zin na kung saan matatagpuan sa Negev desert sa Israel.

Ito ay kinonsiderang tuyot na talaga ngunit bigla na lamang mayroong dumaloy na tubig dito. Posible kaya iyon?

Ayon din sa post, ang hindi pambihirang paglitaw nito ay dahilan ng malakas na ulan sa malalapit na bundok na ilang milya lamang ang layo sa naturang ilog.

Ang disyerto na tuyong tuyong ay bigla na lamang dumaloy na tila baha na tubig na ikinagulat ng mga tao na naroon.

Dahil nga tunay itong nakapagtataka, madaming mga tao ang nais masilayan at matunghayan ang milagrong naganap sa ilog na unti- unti nang nagkakabuhay sa gitna ng disyerto.

Kahit na matagal na panahon itong hinintay ng mga tao, hindi sila nadismaya lalo na nang ito ay kanila nang nakita.

Pagdating ng panahon, mapupunong muli ito ng mga tubig na tila kaya nang makipagsabayan sa mga ordinaryong ilog.