Lahat ng magulang ay gagawin ang lahat para sa kanilang anak, para lamang maging maayos ang kinabukasan nito kahit maging ang buhay nila ay kaya nilang isugal para lang sa kanilang anak.

Kahit pa nahihirapan sila sa kanilang trabaho ay mananatili silang nakangiti at masaya natin na kanilang mga anak para hindi tayo mag-alala at mangamba dahil maging sa huli ay kapakanan parin ng anak ang iniisip ng ating mga magulang.

Tulad na lang ng isang Lalaki na ito na isang Padre de Pamilya hindi iniinda ang hirap at pagod sa pagtatrabaho para lamang sa kaniyang pamilya kahit ang kapalit na ay ang kanyang kaligtasan.

Kinilala ang Lalaki na si Misyanto 66 taong gulang , Si Misyanto ay natagpuang walang buhay sa kanyang motorsiklo habang nagtitinda ng ice cream sa lugar ng Ledokom Village, East Jawa, Indonesia.

Ayon sa mga awtoridad sa Suara Indonesia, Suwoco nakita umano si Misyanto sa kanyang motorsiklo na nakasubsob ang ulo sa unahan ng motorsiklo nito nasa gitna ng daan kaya naman nagdulot ito ng trapiko sa kalsada.

Agad naman nilapitan si Misyanto ng mga kapwa motorista dahil nagdadala na nga ito ng trapiko sa kalsa.

Napansin naman ng isang lalaki na lumapit sa katawan ni Misyanto na ito ay hindi na gumagalaw at hindi na humihinga.

Sa imbestigasyon ng polisya hindi naman nakitaan ang katawan ni Misyanto ng anumang senyales na ito ay sinaktan at kinumpirma din ng awtoridad na walang nawawala sa mga gamit nito at hindi narin ipina-autopsy ng Pamilya ni Misyanto ang katawan nito.

Hindi man nalaman kung ano talaga ang naging sanhi ng pagkasawi ni Misyanto masasabi mo pa rin na kahit sa huling hininga nito ay mas pinili nito mag trabaho para lamang sa kanyang pamilya.

Nakakalungkot isipin na ang isang katulad ni Misyanto na gagawin ang lahat ay kinuha agad ng Maykapal. Sa kabilang dako naman doon sa Poong Maykapal ay maayos na siyang mabubuhay ng walang hanggan.