Ngayong mga buwan talaga ang kadalasan pagdating ng mga bagyo dito sa ating bansa kaya naman ang marami sa atin ay nasanay na sa ganitong panahon dahil halos taon-taon naman ay nararanasan natin ito.

Nakakalungkot lang isipin na may mga lugar talaga sa Pilipinas ang labis na naapektuhan dahil sa lakas ng hangin at walang tigil na pagbuhos ng ulan.

Sa tuwing bubuhos ang malakas na ulan may mga lugar sa Pilipinas na bumabaha kaya naman nakikita natin ang mga lumulutang na mga plastic na bote, mga balat ng pagkain , mga “diaper” na pinagamitan at “sanitary napkin” at kung ano-ano pang nakakadiri at mabahong bagay.

Kaya naman ang iba sa atin ay sanay na nakakaranas ng pagbaha tuwing sasapit ang mga ganitong panahon dahil sa hindi nagkakaroon pa ng maayos na pagdaloy ng tubig sa kanilang lugar.

Ngunit sa kalagitnaan ng pagbagyo at pagbaha sa nakalipas lang na bagyong Rolly at Ulysses ay maraming nagulat at namangha na mga netizen dahil sa isang bayan sa laguna dahil napakalinaw at napakalinis ng tubig-baha sa bayan na ito.

Marami sa mga netizen ang napa “sana all” dahil sa nakita nilang larawan sa social media na makikita dito kung gaano kalinis at kalinaw ang naging tubig-baha sa bahaging laguna na ito.

Pahayag naman ng Alkalde ng bayan na ito na si Mayor Vince Soriano ,ganito raw talaga ang tubig-baha sa kanilang lugar dahil ang tubig daw na ito ay dumadaloy at nagmula sa Turumba Spring Resort na isang “Fish Sanctuary” sa bayan ng Pakil sa Laguna. ”

Ang dami pong nagmemensahe at nagtatanong sa akin ukol sa mga larawan pong ito na posts ng aming kababayang si Ms. Lorraine Antazo, kaya minarapat ko na rin pong mag-post dito sa aking page ukol rito.

Sa mga nagtatanong kung saan po ito sa Pakil, kuha po ang mga larawang ito sa Malaking Ilog na sakop ng Barangay Burgos sa Poblacion” “Para po sa kabatiran ng lahat, ang ilog pong ito ay natural na malinis dahil ang tubig na dumadaloy dito ay nanggagaling direkta sa Turumba Spring Resort.

Deklaradong Fish Sanctuary rin po ito ng aming bayan. Noong humupa ang Bagyong Ulysses kahapon, iyan po ang kinalabasan ng baha sa nasabing lugar.”

Pahayag ng Alkalde sa kanyang post para maliwanagan ang mga Netizen. Sa naturang post naman ng Alkalde ay mayroong ilang mga residente ng nasabing llugar at nagbahagi din sila ng ilang mga larawan na patunay na sobrang linis ng kanilang lugar.

At dagdag pa diyan na dito ka rin makakita ng dahil sa sobrang linis ng mga kanal ay may mga malayang isda ritong lumalangoy at ito ay hindi hinuhuli o pinaglalaruan ng mga reisdente dito.

Nakakatuwa at nakakamangha na may mga ganito pa palang lugar sa Pilipinas , Ito ang kalalabasan ng ating lugar kung ang lahat ng tao ay may disiplina.