Marahil marami ang sa atin ang nakakilala kay John Lloyd Espidol Cruz o mas kilala sa kanyang screen name bilang si John Lloyd Cruz 37 taong gulang at isang aktor, endorser , modelo at host.

Unang nakilala si John Lloyd sa pag-aaritsta ng gumanap siya bilang isa sa mga bida sa palabas na “Tabing Ilog”.

Matapos ng proyekto na ito ay nag sunod-sunod na ang pagdating sa kanya ng mga malalaking teleserye at pelikula ang kanyang ginawa.

At dahil sa angking husay ni John Lloyd sa pag-arte ay isa siya sa tinaguriang “Ultimate Leading Man” sa industriya ng show business.

Marami na din siyang nakaparehang mga aktres na tulad niya ay mahusay din sa larangan ng pag-arte. Ang kaniyang personalidad bilang isang “Boy Next door” ay talagang tumatak sa masa at maraming Pilipino.

Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan at napakaraming proyekto ay mas pinili ni John Lloyd na iwanan parin ang industriyang ng showbiz.

Taong 2017 ng lisanin nito ang showbiz kung saan naging kontrobersiyal ang paglisan nila ng aktres na si Ellen Adarna sa harap ng kamera sa kadahilanang nagbubuntis na pala si Ellen sa kanilang anak ni John Lloyd na si Elias Modesto.

Hanggang ngayon ay hindi parin nag babalik ang aktros sa pag-arte ngunit marami parin sa kanyang mga taga-hanga ang umaasa na muling masilayan ang isang John Lloyd sa harap ng kamera na gumagawa ng pelikula at teleserye.

Samantala, Kamakailan lamang ay mayroon mga larawan ng aktor na kumakalat sa social media kung saan makikita ito na bumibili at kumakain ng street food.

Hindi ito nakaligtas sa mga mapanuring mga netizen at talagang sinugarado nilang ito ay si John Lloyd.

Kahit nga sobrang yaman at sikat na ng isang John Lloyd ay hindi parin ito nagbabago sa kanyang pamumuhay hindi pa rin siya natatakot na sumubok ng maraming mga bagay kahit pa nga mag-isa lamang ito.

Maraming mga netizens ang nagkomento sa aktor na bumibilib at humanga sa simpleng pamumuhay niya ngayon na kita sa kanya na nag-eenjoy ito. Makikita rin sa kanyang mga mata ang kaniyang kasiyahan at pagiging kuntento sa buhay.

Napabalita rin na naghiwalay na daw umano sila ng kanyang partner na si Ellen Adarna, ngunit nanatili pa rin naman daw silang magkaibigan para sa kapakanan ng kanilang anak si Elias.