Kung ating titingnan, humahaba ng humahaba ang pandemyang ito na kung saan sobrang dami na ang naapektuhan sa natural na pamumuhay ng isang tao o pamilya.

Isa na nga ay ang pagkalugi ng mga negosyo na kinakailangan nga namang magsara o magbawas ng empleyado na nag reresulta ng kawalan ng trabaho lalo na sa mahihirap.

Mahirap na nga ang buhay, mas lalo pang pinahirap ng sistema natin ngayon. Isang post nanaman sa social media ang nag viral na larawan ng mag kakapatid.

Sila ay ulila na pagkat ang kanilang ama ay binawian ng buhay nitong Agosto lamang habang ang kanilang ina ay sumama na sa ibang lalaki.

Upang sila ay mabuhay at makakain sa loob ng isang araw, kinakailangang pumalaot ng panganay sa kanila upang sila ay may makain. Ngunit kadalasan, niyog at toyo lamang ang kanilang laman tiyan.

Ito ay ibinahagi ng kanilang nagmamalasakit na kapit bahay na si Jopay De Guia.

Nais niyang humingi ng tulong para sa magkakapatid na ito pagkat mayroon mang mga kapit bahay na nagnanais tumulong ngunit hindi pa din ito sapat upang matulungang lubos ang magkakapatid dahil pare- pareho din silang wala.

Lungkot at awa ang kaniyang naramdaman dahil mas madalas ay walang kinakain ang mga ito at nagpapalipas na lang ng araw na kumakalam ang tiyan.

Madaming netizens ang nakakita at nakabasa ng post ni Jopay, sa awa ng Diyos ay madami ang nagnanais na tumulong sa kanila.

Maging ang iba ay nag mention na ng mga pribadong tao at programang naglalayon na tumulong sa mga ganitong sitwasyon.