Dahil sa patuloy na krisis na ating kinahaharap dulot ng sakit na C0’VID maraming mga negosyante o kompanya ang mga nalulugi at nagsasara dahilan kung bakit marami ang nawawalan ng trabaho at naghahanap na lamang ng ibang pagkakakitaan upang may magamit sa pang araw-araw na pangangailangan.

May mga iilan naman sa atin na maswerte pa rin dahil patuloy pa rin silang nagtatrabaho kahit nasa bahay lang na kung tawagin ay “work from home”.

Subalit hindi lahat ay maswerte, mas marami sa ating kababayan ang mga naghihirap dahil sa krisis na ating nararanasan ngayon.

Ngunit para sa pamilya lahat ay kayang tiisin, lahat ng hirap kakayanin kahit pa malagay sa panganib ang ating kalusugan maging maayos lang ang ating pamilya.

Katulad na lamang ng kwento ng isang tindero na ito na kumurot sa puso ng maraming Netizen.

Sino nga ba ang hindi maaawa sa tindero na ito ng kamote dahil kahit pa malakas ang ulan at basang-basa na ito ay patuloy pa rin siya sa pagtitinda sa bangketa ng panindang kamote.

Sa post sa Facebook ng netizen na may username na Cindz Mallari-Rodriguez, Nanawagan siya sa publiko na kung sino man ang makabasa ng kanyang post ay maaari lang na bumili ng kamote sa vendor na ito kung sakaling mapadaan sila sa Libertad.

“Hi guys, if may makakadaan sa inyo along libertad po harap ng bilihan ng tela (Galactus). May makikita po kayong nagtitinda ng kamote.

Pls po bilhan po natin sya. Nanginginig na po kasi sya at basang basa,” Pahayag ni Rodriguez sa kanyang Facebook.

Sinabi rin ni Rodriguez na hindi na niya kinuha ang kanyang sukli dito nang siya ay bumili ngunit alam niya na hindi sapat iyon para kay Tatay Vendor.

Kaya naman kung sakaling kayo ay mapapadaan kay Tatay kahit magkano o bumili man lang ay malaking tulong na para kay Tatay.

“Alam ko na hindi sapat na pinabili ko si papa at hindi na kinuha yung sukli para makauwi na din sana sya.”

Sa ngayon ang naturang post ni Rodriguez ay umaabot na ng 6k reactions , 3.1 comments at 7.5k shares.