Matatagpuan si Maci Curran sa Austin, Texas ang babaeng binansagan na mayroong pinaka mahabang binti sa buong mundo.

Lumamang si Maci ng 1.2 millimeters kay Rentsenkhorloo Bud, 29 taong gulang na mula sa Chicago na mayroong height na 134.5 cm dahilan ng pagkatalo niya kay Maci Curran na mayroong 134.62 cm.

Bagaman napakaliit ng pagitan o agwat nilang dalawa, naging malaking dahilan iyon para hindi siya maitanghal na record- holder ng babaeng may pinaka mahabang binti sa buong mundo.

Kahit pa naging ikalawa lamang siya sa nasabing record, masaya pa din naman daw siya at kuntento na sa kung ano man ang biyaya sa kaniya ng Diyos.

Kahit pa anong mangyari ay pipiliin niyang maging masaya kesyo matangkad o pandak, may titulo o wala.

Hindi pa din maiiwasan na maging iba ang tingin sa kaniya ng mga ordinaryong tao sa kaniyang paligid pagkat siya ay natatangi.

Maaaring kapag iyo siyang nakasalubong ay talagang mapukaw niya ang iyong pansin. Sa katunayan, ang haba pa lamang ng kaniyang binti ay katumbas na ng taas ng isang teenager.

Kahit pa mayroon siyang taas na 6 ft and 9 inches, hindi pa din maialis sa kaniya ang kaniyang sense of fashion na kung saan talaga namang nag susuot pa din siya ng 5 inches na high heels!

Hindi na nakapag tataka ang kaniyang height pagkat ang kaniyang mga magulang ay matatangakad din. Ang kaniyang ama ay may taas ng 6 ft and 10 inches habang ang kaniyang ina ay 6 ft and 1 inch naman.

Hindi man pangkaraniwan ang kaniyang height, natutunan pa din niyang mahalin ang kaniyang sarili at huwag nang pansinin ang sinasabi ng iba pagkat hindi naman talaga importante ang kanilang mga negatibong tingin at komento.

Naroon din ang kaniyang mga paghihirap sa pamimili ng damit at sapatos. Gayun pa man, madami pa din ang sumusuporta sa kaniya at nahuhumaling sa kaniyang kakaibang tangkad.