Marahil marami ang nakakakilala kay Aiko Melendez siya ay 44 taong gulang at isang aktres at dating pulitiko.

Ang pamilya ni Aiko ay kilala sa showbiz industry dahil ang kanyang ama na si Jimmy Melendez ay isa rin aktor noon maging ang kanyang “Half-brother” na si Jam Melendez ay pumasok rin sa industriya ng show business.

Si Aiko ay maagang sumabak sa pag-arte, Una siyang lumabas noong dekada `80 nang mapabilang siya sa cast ng “Santa Claus is Coming to Town” taong 1982. Siya ay kilala na isa sa pinakamahuhusay na aktres at sa pagiging Kontrabida nito.

Hindi maitatangging na siya ay magaling gumanap bilang kontrabida kaya naman marami siyang naging proyekto na tumatak sa manunuod.

Hindi rin maipagkakailang isa rin siya sa may pinakamagandang mukha sa industriya kung kaya naman maraming ang nabighani sa kanyang kagandahan.

Isa sa mga kilalang aktor na nakarelasyon ni Aiko ay si Jomari Yllana. Nagtagal ng halos tatlong taon ang kanilang pagsasama at sila ay biniyayan ng isang anak na lalaki at pinangalanan nilang Andrei.

Lumipas ang tatlong taon at muling nagmahal si Aiko sa katuhan ni Martin Jickain ang dalawa ay ikinasal noong 2006 ngunit nagkahiwalay at nawalan ng bisa ang kasal makalipas lamang ang apat na taon.

Ang dalawa na si Martin at Aiko ay biniyayaan naman ng isang anak at pinangalanan nilang Marthena. Hindi man sinuwerte si Aiko sa buhay pag-ibig ay nagkaroon naman siya ng gwapo at magandang anak.

Marami naman sa mga netizen ang nakapansin sa anak na babae ni Aiko na si Marthena dahil sa angking kagandahan nito at tila kamukhang kamukha ng kanyang Mommy Aiko.

Ilan din sa mga netizen ang nagsabing tiyak na papasa ito bilang isang artista o beauty queen sa hinaharap kung gugustuhin lang nito.

Dagdag pa diyan hindi lang maganda ang anak ni Aiko na si Marthena dahil napakaaktibo rin nito sa kanilang paaralan at isa rin itong “Volleyball player” at hindi lang basta player kundi isa siya sa mga star player ng kanilang team.

Samantala, Kahit pa man walang pahayag si Marthena o Aiko tungkol sa pagpasok nito sa pag-aaritsta ay marami na agad nitong tagasuporta at tagahanga sa social media.