Para sa maraming tao ang perang $14,000 o Php675,000 ay sobrang laki na ng halaga kaya naman ang iba kapag may ganito kalaking pera ay inilalagay sa negosyo at ginagastos lamang sa tamang paraan at sa pangunahing pangangailangan.

Samantala, Iba naman ang naging hakbang ng isang 33 taong gulang na si Josua Hutagalung matapos niyang makapagbenta ng isang meteorite o bato na galing sa kalawakan sa isang espesyalista.

Pagkatapos niyang maibenta ito agad niyang ginastos ang perang napagbentahan para itulont sa pamilya , kaibigan at sa mga taong mahihirap.

Bago pa maakuha si Josua ng ganitong uri ng bato, may isang gabi na habang siya ay abalang-abala sa pagtatrabaho nakarinig siya ng malakas na tunog o parang pagsabog at nang kanya itong puntahan ay agad bumungad sa kanya ang halos 15cm na bato galing kalawakan.

Nung una pa ay galit na galit ito kung ano yung malakas na tunog at ang akala niya ay binabato ang kanyang bahay, ngunit nang makita niya nga ito ay nasabi nito sa sarili na malabong binato ng kanyang bahay dahil masyadong malaki ang batong ito.

Nang makuha ni Josua ang bato na ito kanya itong pinag-aralan at napag-alaman niya na ito ay mayroon magandang presyo kapag ibinenta dahil ang ganitong uri ng bato ay sobrang bihira dito sa ating mundong ibabaw.

Ibinenta agad ni Josua ito sa isang meteorite specialist na si Jared Collins, agad naman binayaran ni Collins ang meteorite na may timbang na 1.8kg sa halagang $14,000 o Php675,000. Para kay Josua ang ganitong pera ay sobrang laki na para sa isang coffin-maker.

Dumaan ang ilang araw , halos maubos na ni Josua ang perang napagbentahan dahil ang iba rito ay kanyang ipinamigay sa kaibigan at pinang tulong sa nangangailangan.

Napagawa niya din ang bahay ng kanyang pamilya at nakapag donate din siya sa kanilang simbahan.

Noong una ay masaya si Josua sa kanyang natanggap na pera ngunit hindi nagtagal ay napag-alaman nito na tila naloko siya ng espesyalista na si Jared.

Dahil nabalitaan ni Josua sa isang British News na ang batong ibinenta ni Josua kay Jared sa halagang $14,000 ay muling naibenta sa mas mataas ng 100beses na presyo tumataginting lang naman na $1.8 million o Php89,244,700 ang muling napagbentahan nito.

Sobrang dismayado naman si Josua kay Jared sana daw ay naging totoo ito at sana ay nabayaran siya sa tamang presyo at sa mas malaking halaga.

Malaki ang kanyang pagsisisi dahil ang ibinigay sa kanyang bayad ay halos kapiraso lang ng tunay na halaga ng batong kanyang ibinenta.

Buti na lang daw ay hindi niya ibinenta ang buong “space rock” dahil ang kabuuang kanyang batong napulot ay may bigay na 2.2kg at ang napabenta lang sa espesyalista ay 1.8Kg at ang natitira ay nasa kanilang bahay.

Dagdag naman ni Josua na wala na siyang balak ibenta pa ang natitirang bato gahawin niya na lang daw itong souvenir ng kanyang pamilya.

“The extra pieces of the meteorite, I’ve given to family members, some made rings. For myself, I kept five grams. I’m also never going to sell the extra pieces even if anyone offers a high price” pahayag ni Josua.

Gayunpaman kahit pa si Josua ay naloko wala daw siyang magagawa dahil hindi na siya ang nagma-may-ari nito sinabi nalang niya sa kanyang sarili na kung muling mangyayari ang ganitong sitwasyon at muli siyang makakakuha nito kanya munang lubos na pag-aaralan ito bago ibenta.