Ang [email protected] sa kapwa ay hindi maiiwasan. Maski sa maliit o sa malaking halaga pa iyan. Ang konsensya ang palaging kalaban sa tuwing gumagawa ka ng kasamaan.

Ngunit halo halong emosyon at reaksyon ang natamo ng isang viral video na kung saan ang magnanakaw ay bigla na lamang ibinalik ang kaniyang ninakaw na pera sa babaeng ito.

Kasalukuyan pa ding umiikot ang pandemya sa buong mundo kaya naman madami ang nangangailangan ng perang pang gastos. Ang pag nanakaw ay naganap sa Heyuan City, South China at ang babaeng ninakawan ay nakilala bilang si Li.

Isang malalim na gabi, kasalukuyan siya noong nasa isang bangko na ICBC upang mag withdraw ng pera. Hindi naman din malaman ang dahilan kung bakit ganoong oras siya nag withdraw marahil ay gagamitin niya ito para sa emergency.

Nasa 2,500 yuan ang kaniyang winithdraw na katumbas ng Php 17,576 kaya naman nang namataan na ito ng magnanakaw ay agad na niya itong nilapitan at tinutukan ng kutsily0.

Napilitan si Li na ibigay ang hawak niyang pera. Ngunit ang mag nanakaw ay hindi pa nakuntento at nais niya pang simutin ang mga natitirang pera niya sa account ni Li.

Ipinilit ni Li na wala na talaga siyang pera sa kaniyang account ngunit hindi naniwala ang magnanakaw kaya napilitan muling ipakita ni Li ang kaniyang balance.

Nakita ng magnanakaw na zero balance na nga ang account nito kaya naman imbis na nakawan ang babae, ibinalik niya ang 2,500 yuan at umalis ng nakangisi.

Makikita ang mga kaganapan sa CCTV Footage na nag viral. Gayun pa man, nakatanggap pa din ng mga negation at positibong komento para sa magnanakaw. Ayon sa iba, nag mistulang Robin Hood ang lalaki pagkat sa mga mayayaman lamang ito nag nanakaw.

Sa kabilang banda, kahit na sabihing ibinalik ng lalaki ang kaniyang ninakaw, hindi pa din siya maaabsuwelto sa kaniyang ginawa pagkat gumamit siya ng patalim upang makapanakot.