Sa pagdaan ng mga panahon nauso na ang online shopping kaya naman ang lahat dito ay naeenganyo dahil wala na nga naman ka hirap-hirap na bumili at hindi kana lalabas ng bahay.

Kaya naman kailanlang ay usap-usapan ang magiging 11.11 sale ng isang online shopping app.

Ngunit sa kabila ng mga ganitong sale product ay delikado rin ito lalo na kung ikaw ay nag-iipon, dahil maaring mag-enjoy ka.

Hindi mo namamalayan na napapagastos ka na pala ng husto kahit hindi mo naman kailan ang isang bagay ay binibili mo pa rin ito.

Tulad na lang sa sitwasyon ng isang lalaki na may edad na 29 siya si Wang mula sa Luzhou, Sichuan sobra siyang nagkaproblema sa kaniyang asawa na si Zhan 29 years old.

Sa ginawa nitong paggastos ng husto sa naganap na 11.11 sales ay umabot nga sa punto na gusto na lamang [email protected] ni Wang.

Ayon sa World of Buzz, Nakatanggap daw ang mga police ng isang report na may gustong tumalon sa isang roof top na may taas na 33 palapag.

Nagmadali naman ang mga pulis na ito ay puntahan ito ay noong November 10th alas 10 ng gabi. Sinusubukan nilang pigilan at pagaanin ang loob ng isang lalaki at sa mga oras na iyon ay wala sa wisyo habang umiiyak.

Makalipas ang ilang sandali ay nakumbinsi ng mga otoridad si Wang at ikinuwento nito ang mga nangyari.

Sinabi niya na ang asawa daw niya ay gumastos ng halos 300,00 yuan ($42,000) para lamang sa mga bag. damit at pabango sa naganap na 11.11 sales.

Sinabi rin ni Wang na hindi iyon ang unang pagkakataon na gumastos ng malaki ang kaniyang misis sa mga online shopping sa katunayan nga daw ay nakaraan lamang taon pagkatapos isilang ang kanilang bunsong anak ay sa parehas na 11.11 sales ay gumastos ang kaniyang misis ng 200,000 yuan ($28,000).`

Ayon din kay Wang maliit lamang ang kaniyang kinikita at pinipilit niyang makaipon para sa kanilang pamilya dahil siya na lamang ang nagtatrabaho sa kanila dahil simula ng manganak ang kaniyang asawa ay hindi na ito nakapagtrabaho.

Kaya naman nang malaman niyang naloloko na naman ang kaniyang asawa sa mga online shopping ay wala na siyang maisip kundi ang [email protected] dahil hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pera para bayaran ang bill ng kaniyang asawa.

Buti na lamang ay dumating ang mga pulis at napaliwanagan si Wang, nangako naman ang asawa nito sa kaniya at sa mga otoridad na iiwasan na ang pagkahumaling sa mga online shopping.

Maging isa itong babala o paalala para sa mga mahihilig sa mga online shopping. Kahit pa ito ay magkaroon ng sale o pagbawas ng presyo ay isipin munang maigi kung ang bagay na bibilihin ay magagamit o kailangan talaga natin.

Source: Trendszilla