Sabi nga nila, ang pag- aaral ang tanging maipamamana ng mga magulang. kailan man ay hindi ito mananakaw. Kaya naman ang mga anak ay talagang nagpupursiging makatapos upang masuklian ang lahat ng sakripisyo ng kanilang mga magulang habang iginagapang ang pang tustos sa kanila.

Isa sa hindi magandang ugali ng mga Pilipino ay ang pang mamata, pang kukutsya at pang iinsulto ng mga taong hindi mayaman at laking hirap. Tinitingnan nila ang halaga ng tao base sa trabaho at kabuhayan nito.

Ganoon na lamang ang madalas na marinig ng netizen na si Andrew Pineda na kung saan panay na lamang daw niya naririnig ang mga katanungang ’’ Diba Kumuha ng kursong Educ yan? Hindi pa ba siya nagtuturo? Hala, sayang dapat maghanap kana work.’’

Imbis na tingnan ng iba ang pagiging marangal niya bilang tinder ng almusal at ulam, mas napapansin pa sa kaniya ang kaniyang propesyon na hindi pa niya naaabot dala ng pandemya.

Saad niya, “Opo tindero, kami mama ko taga tinda ng almusal at ulam pero sa ganitong paraan napapakita ko pong edukado ako at hanggat nabubuhay ang magulang ko patuloy ko po silang tutulungan at susuportahan. Ang mahalaga may silbi at sense tayo sa lipunan”.

Nais niya daw maipahatid sa mga mambabasa lalo na sa mga kabtaan na walang nakakahiya sa pagtitinda o kahit na anong hanap buhay ng magulang. “Iwasan mag inarte dapat maging madiskarte”.

Umabot na ng 17k reactions, 1.4k comments at 7.8k shares ang post na ito.