Ang pagsisinungaling ay kapatid ng pagnanakaw kaya nararapat lamang na tayo ay maging matapat.

Ngunit sa ganitong panahon ng pandemya na kung saan ang lahat ay nahihirapan sap era, magagawa mo pa din bang maging matapat?

Madaming tao ang nawalan ng trabaho simula nang pumutok ang pandemyang ito kaya naman ginawa nila ang iba’t ibang paraan upang kumite ng pera at magkaroon lamang ng pang gastos sa araw- araw.

Naging isa sa pribilehiyo ng mga tao ay ang online selling. Maaaring damit, pagkain at iba pa.

Laking pasasalamat ng marami at mas napadali ang mga ganitong gawain dahil sa modernong teknolohiya ngunit kinakailangan lamang na maging maingay tayo sa pag pindot sapagkat sa oras na tayo ay magkamali, hindi natin ito mababawi ng basta- basta.

Kagaya na lamang ng ibinahagi ng netizen na si Sheryll Dijamco na kung saan nagkamali siya ng taong pinadalhan ng perang nagkakahalagang P10,000.

 

Ito ay naipadala niya sa hindi kilalang tao at hindi din maikakaila na malaki ang perang napakawalan nito kung sakali.

Makikita sa larawan ang nag ngangalang Ed Michael Monares ang siyang kusang nagbalik ng pera at sinabing “This is to return the erroneous 10k deposit”.

Kapansin pansin ang pagiging matapat ni Ed pagkat inamin niyang alam niyang hindi para sa kaniya ang aksidenteng pagpapadala ni Sheryll.

Ayon sa post ni Sheryll,

“Marami parin mga mabubuting tao sa mundo.

Thank you so much SIR ED MICHAEL MONARES, for sending back mistakenly sent Cash. Di man po tayo magkakilala and i know nothing about you, But i Thank God for You. YOU HAVE EARNED CREDITS TO HEAVEN.

GOD BLESS YOU PO. Kung sino man nakakakilala sa kanya, although i have already talked and thank Him, still please send him my Heartfelt gratitude and GOOD deed worth sharing.”

Nawa ay maging inspirasyon ito sa lahat na kung saan piliin pa ding maging matapat kahit na nasa kalagitnaan na ng kagipitan pagkat paniguradong may kapalit na biyaya mula sa itaas.