Hanggang saan nga ba ang kayang tawirin ng inyong pagmamahalan? Sabi nila, ang pagpapakasal ay hindi basta basta. Ito ay ipinaplano at pinag iisipang mabui.

Ngunit ang dalawang ito ay tila sigurado na sa kaniyang mga desisyon na maging ang bagyo ay hindi napigilan ang kanilang balak na pagpapakasal.

Sa kasalukuyan, sumasailalim ang lahat sa pandemya na kung saan madami ang hindi natutuloy na mga plano dahil sa delikado nga ang panahon ngayon.

Ngunit dahil nga hahamakin ang lahat makuha lamang ang mga pinapangarap, maging pagpapakasal ay sinabak.

Ganoon na lamang ang pagmamahalan nina Ronil at Jeziel Guillepa na itinuloy ang kasal at hindi nagpapigil sab aha na dulot ng bagyo sa Barangay Luyang sa Mabinay.

Ayon sa pakikipanayam ni Ronil sa GMA, “Di po mapipigilan ang pagmamahalan naming dalawa. Tagal ko ‘tong pinaghandaan ‘tong pagkakataong pakasalan siya. Kahit anong bagyo pa ang darating o ano pang pagsubok, kayang lampasan”


Saad pa niya, nakaramdam daw siya ng kaunting kaba na baka umurong ang kaniyang bride at hindi na magpakasal sa kaniya. ayon naman kay Jeziel na bride, mas matimbang daw ang kaniyang pagmamahal kay Ronil kaya maging baha ay tinawid niya makapunta lang sa simbahan.

Bilang suporta ng pamilya at kaibigan, dumalo pa din sila sa kasalan ng dalawa at masaksihan ang kanilang walang humpay na agos na pagmamahalan.