Ang karamihan sa atin ay mayroong mga alagang hayop sa bahay tulad na lang ng Aso na kung tawagin natin ay Bantay, dahil sila ang nagbabantay sa bahay sa mga oras na wala ang kanilang amo.

Si Bantay kasi ang palaging gising at nagsisilbing gwardya o tagamasid habang natutulog ang kanilang amo sila rin ay alerto kapag may mga pangyayaring hindi kanais-nais sa kanilang paligid.

Bukod sa pagiging Bantay ng mga aso ay isa din ito sa mga nagtatanggal ng pagod o stress sa kanilang amo lalo na sa mga mahihilig dito.

Kapag galing sa trabaho o school at pagod na pagod ang kanilang amo agad itong sasalubungin ng kanilang alagang aso at konting himas lang ng amo sa ulo ng kanilang alagang aso ay nawawala na ang kanilang pagod.

Samantala, usap-usapan naman sa social media ang isang post ng netizen na si Caitlyn Radel-Paaby kung saan ibinahagi niya kung paano nailigtas ang kanilng buhay ng kanilang alagang aso dahil sa nagbabadyang sunog sa kanilang bahay.

Sa post ni Caitlyn sinabi nito na labis ang pasasalamat nila sa kanilang Bantay o alagang aso dahil naamoy nito ang nagbabadyang sunog sa isang electrical socket kung kaya naman naagapan agad nila ito.

Ayon din kay Caitlyn kung hindi ito naagapan agad ay siguradong sasabøg ito at malaki ang tyansa na pagkaroon ng sunog at sila ay matutupok dito kasam ang kanilang bahay.

Kung kaya naman dahil sa kanilang Bantay na Aso na sobrang talino ang kanilang buhay ay naligtas.

Narito naman ang kabuuang post ni Caitlyn:

“My dog just saved us from an inevitable fire. She sniffed out a burning outlet that is in a place that we wouldn’t have seen until it was too late.

She alerted us to the problem and we called the Fire Department. There was a fire in the electrical box that if we hadn’t caught would have spread to the rest of the wall over night or while we were sleeping. I can’t tell you how proud I am of her.”