Madalas sabihin ng mga tao na mahirap kumite ng pera hindi iyon napupulot lang sa kung saan kung hindi ito ay pinag hihirapan at pinag tatrabahuhan. Sino nga naman ba ang mag aakala na ang mga bote ng serbesa ay maaaring may nakapatong na malaking halaga?

Matatagpuan sa isang kuweba sa Bohol ang kayamanang hindi nila aakalain na nasa bote lamang. Isa itong ordinaryong bote ng serbesa na kung saan nababalutan ng makapal na lupa.

Sinasabing ang halaga nito ay mula P2,500 hanggang mahigit P30,000 kada piraso, depende sa kondisyon.

Sinasabi ng nakatuklas na residente, mayroon daw nakapag kwento sa kaniya na may isang uri ng bote ng serbesa ang maaaring maibenta ng halagang P10,000 pataas kaya naman unang pumasok sa kaniyang isipan ay ang boteng kaniyang nasilayan sa kweba.

Agad siyang nagtawag ng mga kasama upang maghanap ng mga bote. Mababasa ang Halil Beer na may tatak ng kalabaw at taong 1950.

Sa halagang P2,500 ay naibenta nila ito kada isa. Dahil nga napatunayang malaki ang halaga nito, bumalik silang muli sa kweba upang maghanap pa ulit.

Nasa P11,000 ang kabuuang kanilang natanggap mula sa kolektor dahil lamang sa inaakalang patapon na bote ng serbesang ito.

Talaga nga namang sa buhay ay swertihan lang din paminsan. Hindi natin napapansin na mayroong mga mahahalagang bagay sa paligid na mag dadala ng swerte sa atin.