Sa isang relasyon normal na ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawan dahil sa pagseselos at ito ay hindi naman maiiwasan lalo na sa mga tao na totoong nagmamahalan.

Pero minsan ang pagseselos ay hindi rin nakabubuti sa isang relasyon lalo na kung wala naman dapat pagselosan at wala namang nakikita na maling ginagawa ang inyong karelasyon.

Dahil kung minsan ang pagkakaroon ng pagseselos na wala naman sa lugar ay nauuwi sa hiwalayan.

Samantala, hindi naman lahat ng babae ay selosa tulad nalamang ng isang misis na ito na mula sa lugar ng Shah Alam, Malaysia.

Siya si Khuzatul Atiqah kung saan imbis na siya ay magselos sa ibang babae siya pa mismo ang naghanap ng babae upang maging pangalawang asawa ng kaniyang mister.

Ayon sa ulat ng Rachfeed, noong ipinagbubuntis daw ni Khuzatul ang kanilang anak ng kanyang mister na si Samuel Dzul ay napapansin niyang laging pagod ang kanyang mister na ito.

Bukod sa paghahanap-buhay para sa kanilang magiging pamilya, ang mister din niya ang gumagawa sa mga gawain bahay na dapat siya ang gumagawa kung hindi siya buntis.

Dahil dito hindi maiwasan ni Khuzatul ang magisip at mag-alala para sa kanyang mister lalo na dahil hindi niya magampanan ng maayos ang pagiging asawa dito dahil siya ay maselan magbuntis.

Kaya naman naisipan niyang hanapan ang kanyang mister ng pangalawang asawa para dito ay may mag-asikaso.

Dahil nga sila ay parehong muslim wala naman problema o isyu sa kanila ni Samuel ang pagkakaroon ng dalawang asawa.

Isa sa mga gusto ni Khuzatul para sa kanyang asawa ay si Nur Fathonah na isang single mom. Ayon sa kaniya nakikita niya na magagampanan nito ng maayos ang pagiging asawa at maibibigay ang pangangailan ni Samuel.

Kwento naman ni Nur, nang mabasa niya ang mensahe mula kay Khuzatul ay nagulat siya hindi niya akalain na muli siyang ikakasal. Pero nang magkausap naman ang tatlo ay pumayag na rin si Nur.

Nang ikasal si Nur at si Samuel ay naging maayos naman ang kanilang pagsasamahang tatlo. Ayon pa kay Khuzatul ay masaya siya dahil may mag-aalaga na muna kay Samuel bukod dito nakahanap daw siya nang kaniyang bagong bestfriend.