Hinangaan ng mga netizen ang isang misis matapos ito mag viral sa social media dahil sa pagiging wais nito sa pera.

Bumilib ang mga netizen dahil sa ginawa nitong pag-iipon na nagmumula sa mga tips na nakukuha ng kaniyang mister na isang barbero.

Matagal na daw niya ito ginagawa kahit hindi pa nagkakaroon ng quarantine o lockdown sa bansa. Ang naturang kwento ng misis na ito ay ibinahagi ng sikat na financial literacy page sa facebook na walang iba kundi ang CFO PESOS SENSE.

Ikinuwento rin ng Misis kung paano nagulat at halos hindi makapaniwala ang kaniyang Mister na ganoon kalaki ang naipon nito sa mismong tips sa kanyang trabaho.

Ayon sa mag-asawa napag-kasunduan daw nila na mag-ipon para sa kinabukasan ng kanilang tatlong anak at napagdesisyunan din nila na ang kanyang misis ang hahawak ng mga tips na natatanggap ng mister.

Madalas daw ay umaabot sa Php 1,800 ang nakokolekta ng kanyang mister na tips at lahat ng ito ay ibinibigay sa kanya.

Agad daw naman niyang itinatabi ang Php1,000 araw-araw at ang matitira naman na pera ay ang tanging ginagamit nila sa kanilang gastusin pang araw-araw.

Ayon naman sa Mister na ito sa tuwing ibibigay niya ang kanyang naging tips sa buong araw ay hindi niya na ito inaalam kung saan ito dinadala ng kanyang Misis basta ang nasa isip niya lang daw ay mag-ipon para sa kanilang mga anak.

Kaya naman ng dumating ang pandemiyang ito at ilabas ng kanyang misis ang naipon galing sa mga tips hindi ito makapaniwala na umabot ng malaking halaga tinatayang Php217,000 ang lahat ng naipon ng kanyang misis galing sa kanyang mga Tips.

Dagdag pa ng kwento ng wais na Misis , nagtataka daw ang kanyang Mister kung saan daw siya nakakakuha ng pambili ng masasarap na ulam sa gitna ng pandemiya at ng siya daw ay tanungin agad naman nitong sinabi na ito ay mula lahat sa Tips na binigay ng kanyang mister at kanyang inipon.

Laking tuwa at pasasalamat naman ng kanyang mister dahil kahit sa gitna ng pandemiya ay mayroon parin silang pera kahit na sa gitna tayo ng mahirap na sitwasyon dulot ng pandemiya ay mayroon parin silang maaari magamit sa pang araw-araw na pangangailangan.