Ang araw ng kapanganakan ay isang mahalagang araw para sa isang tao. dito ipinagdiriwang ang panibagong taon niya sa pamumuhay sa lupa. Kasama niyang mag selebra ang mga taong kasa- kasama niya sa hirap at ginhawa kagaya ng pamilya, kaibigan at espesiyal na tao pa.

At syempre, hindi nga naman mawawalan ng mga pasabog ang pamilya at kaibigan. maaaring maghanda ng isang surpresa, handaan, regalo at mga nakakatawang pagbati sa social media. Tunay nga naman na sa araw ng iyong kaarawan ay malalantad ang iyong mga kalokohan.

Nito lamang ay nag viral ang isang post bilang pagbati ng netizen na si John Ryan Pechay na ibinahagi ang ilang mga larawan ng kaniyang kaibigan.

Ito ay nakaprint sa isang papel na black and white lang ang kulay na tila nag mukhang “WANTED” o “MISSING PERSON” ang kaniyang kaibigan. Mababasa ang mga katagang “HAPPY BIRTHDAY” at ang petsang “OCTOBER 30, 2020”.

ito ay nakapaskil sa mga poste, sasakyan, kariton at mga pader na kung saan napaka dami nga namang makakakita. Ayon sa caption ni Pechay, “Napakabasic naman ng mga greetings sayo parang hindi ka mahal. Happy Birthday!”.

Ang post na ito ay nagbigay aliw hindi lamang sa may kaarawan kung hindi pati na din sa mga netizens na nakakita nito.