Magkahalong hirap at saya ang pagiging isang ina. Mahirap pagkat marami kang ginagampanan at wala naman ding katumbas ang saya sa tuwing makikita mo ang iyong anak.

Kaya naman madami ang bumibilib sa mga ina na natututukan ang kanilang mga anak sa paglaki, naasikaso ang pamilya ng mabuti at hindi napapabayaan ang sarili

Ang paghangang nabuo sa isipan ng bawat tao ay hinigitan pa ng Chinese Mom na ito. makikita sa nag viral na video na siya ay hindi nabiyayaan ng dalawang kamay kaya’t paa lamang ang kaniyang pinapagana.

Hindi naging hadlang ang kakulangan ng isang pares na kamay upang gampanan ang kaniyang tungkulin bilang isang ina at babae.

Kamangha mangha kung paano niya suotan ng jacket ang kaniyang anak at siya mismo ang nag butones nito. Sumunod ay ang paghahanda ng pagkain at paghihimay ng gulay, naroon din ang pag pupusod ng buhok ng kaniyang anak.

Nakakayanan niya din ang pagsusuot ng manipis na sinulid sa maliit na butas ng karayom at syempre, hindi niya napapabayaang pagandahin ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng make- up.

Lahat ng ito ay kaniyang nagagawa sa pamamagitan lamang ng paa.

Tunay ngang nabibilang siya sa pagiging wonder mom na kung saan doble effort at sakripisyo ang kaniyang ginagampanan.

Hindi na alintana sa kaniya ang kaniyang kapansanan pagkat hindi ito kawalan at kinakailangan upang magawa ang mga bagay na ito.