Kung ikaw ay pinanganak noong dekada 90’s, ay marahil napanood at natatandaan mo pa ang dating aktor na si Juam Miguel “Onemig” Rivera Bondoc. Siya ay nakilala sa kanyang kagalingan sa pag arte.

Napabilang siya sa mga palabas sa telebison na nagpasaya sa inyo.

Napabilang siya dati sa mga palabas noon kabilang ang mga ibang artista na sina Kristine Hermosa, Angelu De Leon, Diether Ocampo at marami pang iba.

Naipaskil ang kanyang larawan sa mga naglalakihang billboards at pati na rin sa mga kwaderno ng mga estudyante sa kanilang paaralan.

Noong siya ay 15-taong gulang pa lamang ay nagsimula na ang kanyang karera sa pag-arte at napabilang siya sa isang sikat na TV show na tinatawag na “Thank God It’s Sabado” o TGIS.

Dahil dito, mas lalo siyang nakilala na naging dahilan ng kanyang pagsikat kaya naman ay sunud-sunod ang pagkakaroon niya ng mga bagong proyekto na kanyang ginawa habang siya ay aktibo sa mundo ng showbiz.

Ngunit, mas pinili ni Onemig na lisanin ang mundo ng showbiz noong taong 2006.

Sa kabila ng kanyang katanyagan, mas pinili niyang mamuhay ng tahimik kasama ang kanyang asawa na isang Half-French Half-Filipina na si Balerie Bariou na isang commercial model at aktres.

Nagkaroon sila ng dalawang anak subalit humantong din sa hiwalayan ang dalawa noong 2013 na malungkot na ibinahagi ng aktor.

Umabot sa hukuman ang kanilang hiwalayan dahil inilalaban ni Onemig ang kustodiya ng kanyang mga anak na sa kabutihang palad naman ay naipanalo naman niya ang kaso.

Ngayon ay naninirahan na sa probinsiya ng Mariveles, Bataan ang kanyang mga anak.

Maligaya naman ang aktor sa kaniyang napiling klase ng pamumuhay ngayo’y kasama na niya ang kanyang mga anak sa Bataan sa kabila ng magara at maingay niyang pamumuhay noong nasa showbiz pa siya.

May inaasikaso na ring food franchise business ngayon ang dating aktor. Siya na ang tumatayong ina at ama sa kaniyang mga anak.

Sa kabila ng paglipas ng panahon ay hindi pa rin kumupas ang pagiging magandang lalaking hitsura ng dating matinee idol.