Dahil sa lawak na sakop ng social media, madaling makakasagap ang mga tao ng mga balita, bagong kaibigan, bagong kaalaman, maging ang nakakatawang videos o larawan.

Naalala niyo pa ba ang isang viral video na kung saan may dalawang bata na tila galit na galit at nagpakilala bilang “Pabebe Girl”. Ang video na ito ay naging tanyag noong nakaraang limang taon na talaga namang kinatuwaan at ginaya pa ng ibang netizens.

Muling namataan ang isa sa miyembro ng Pabebe Girls na si Michelle Alfonso, 16 taong gulang sa kasalukuyan, matapos mainbitahan bilang isa sa mga choice sa “Bawal Judgmental” segment ng noon-time show na Eat Bulaga.

Nakaranas siya ng pambabash noon sa edad na 11 taong gulang dahil na nga sa kaniyang binitawang salita maging sa kaniyang kapansin- pansin na manipis na kilay.

Sinabi niya din na kailangan pa talaga drawingan ang kaniyang kilay upang makita ito.

Ayon sa kaniyang panayam sa PEP, “Manipis pa rin po ang kilay ko pero hindi na ako affected ng mga bashing. Normal na lang po sa akin,” gayun pa man, tanggap niyang ganito na talaga ang ipinagkaloob sa kaniya.

Sa paglipas ng panahon, ang mga taong nambully sa kaniya dahil sa viral video ay naging kaibigan niya din.

Sinabi niya din na kung mapag bibigyan daw siya ng pagkakataon para makapag artista, hindi niya daw ito palalagpasin pagkat nais niya talaga maging Kapuso

“Masaya ako habang pinanonood ko ang sarili ko sa ‘Bawal Judgmental’ dahil ngayon na lang ulit ako lumabas sa TV,” sabi ni Michelle sa Pep. Nais niya din daw magsimula ng kaniyang sariling YouTube Channel.