Ngayon paanhon ng pandemiya usong-uso ang paggamit ng mga “online shipping flatforms” dahil sa paggamit nito hindi mo na kailangan pang lumabas ng bahay para bumili ng iyong mga pangangailangan at malaki din ang tulong nito para maiwasan ang pag punta sa mga lugar na matao at makaiwas sa kumakalat na sakit.

Kahit pa may shipping fee at may katagalan ang pag deliver nito ay hindi alintana ng maraming mamimili basta ang mahalaga ay hindi mo na kailangan pang makipag sapalaran sa labas upang makabili.

Ngunit kung may magandang epekto ang pag order online hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng problema, Tulad na lang ng naranasan ng netizen na si Aleachcim Zetroc matapos makatanggap ng pekeng produkto na kanyang inorder.

Nahumaling umano siya sa isang produkto na “Teeth Cover” para sa kaniyang ina na si Susana Cortez dahil nais niyang maging maputi ang ngipin ng kanyang Ina.

Subalit nang dumating ang kanyang order at kanyang matanggap, hindi niya akalain na ibang-iba ang itsura ng produkto kumpara sa makikita sa mga “Ads” nito. Kaya naman labis ang kanyang pagkadismaya ngunit sa halip na magalit ay dinaan na lang niya lahat sa pagbibiro.

Ayon sa post ni Aleachcim sa kanyang Facebook account , tuwang-tuwa siya na makita niya ang produktong ito kung kaya naman agad niyang naisip na bilihin ito at iregalo sa kanyang ina. Napaniwala din daw siya ng mga “video ads” kung kaya naman mas lalo siyang naengganyo.

At nang dumating na ang kanyang pinakahihitay at natangap ang produkto na inorder online kanya itong sinukat at nagmistulang “Bampira” dahil sa napakalaki nito at hindi talaga sukat sa kaniya tulad ng nasa mga “video Ads”.

Muling paalala naman para sa mga mamimili online, Bago tuluyang umorder ng mga produkto na may mga sizes o sukat . Siguraduhin muna ang tunay na sukat na inoorder bago tuluyang bayaran ito upang hindi masayang ang mga pera na ating ipinambabayad.

Sana ay maging aral ito para sa marami.

Sa huling bahagi naman ni Aleachim nasabi niya ang mga katagang ito na ipinapaabot sa seller na nanloko sa kanya.

“Pinagloloko niyo ba kaming mga Pilipino? Ang ganda-ganda ng mga Ads niyo”.

Sa naturang post naman na ito na nagviral ibat-ibang reaksyon at komento ang nanggaling sa mga netizen.