Ang isa sa mga naging tradisyon nating mga Pilipino kapag ikinakasal ay ang pagsakay ng bride sa sasakyan patungong simbahan at ito din ang ginagamit ng bagong kasal patungong reception.

Karamihan nga sa mga ginagamit na sasakyan sa kasal ay ang kotse ang iba pa nga ay umaarkila ng mamahaling kotse para lang gamitin.

Ngunit kakaiba ang isang magkasintahan na ito na nag viral sa social media, dahil sa kanilang kasal ang ginamit na bridal car ay isang pampasaherong jeep sa UP at Quezon City.

 

Ang naturang post na nagviral ay mula mismo sa driver at may-ari ng jeep na si James Abao na residente sa Quezon City. Ikinuwento ni James kung paano ang naging major transformation ng kanyang jeep at naging isang ‘perfect bridal car’.

“Na post ko siya kasi unsual na makakakita tayo ng mga simpleng bagay na i-aapreciate… mga simple ay pwede pala maging maganda.. Simple pero may tatak” pahayag ni James.

Ayon pa kay James napakalaking tulong daw para sa kanila ngayon ang marentahan ang kanilang jeep sa panahon ngayon na may pandemiya.

Masaya rin siya na ginamit sa kasal ay isang jeep dahil isa daw ang jeep na sumisibolo sa ating kulturang pinoy. Kaya naman sa pagiging bridal car nito ay tunay na maipagmamalaki ang kulturang atin.

Para naman sa bride na si Sharmainne Jo G. Arellano-Vidal espesyal daw sa kanyang ang Jeepney na biyaheng UP Ikot dahil ito daw umano ang kanyang palaging sinasakyan noong siya ay nag-aaral pa.

Kaya naman hindi siya nagdalawang isip na ito ang maging bridal car at maghatid sa kanya sa simbahan.

Sa pag-aayos at pagmake-over naman ng kanilang nirentahan na Jeep ay ang Ina ni Sharmainne ang nag disenyo gamit ang mga bulaklak at puting kurtina. Dalawang oras umano ang ginugol dito ng kanyang Ina para maging maganda ang kanyang bridal car.

Ayon naman kay Sharmainne: “Komportable po ako sa loob ng jeep plus super excited kasi ang ganda ng pagkakaahos ng Mama ko sa loob at labas ng Jeep. Proud din kasi pinagtiitinginan siya ng mga tao.”

Hindi mahalaga kung maganda o mamahalin ang sasakyan na gagamitin sa kasal, ang importante ay ang maging masaya ang ikasal at mabasbasan sa harap ng Altar kasama ang mga mahal mo sa buhay.

Source: News5