Hindi maiiwasan na mayroon at mayroon talagang mga mapang mata ng kapwa o di kaya man ay may mga nasasabing hindi magandang salita kagaya ng pambabatikos lalung lalo na sa mga mahihina.

Mababa man ang pagiging isang yaya o katulong, ngunit ito ay isang marangal na trabaho ay kinakailangan pa din ng pag respeto ukol sa mga katayuan at estado nio sa buhay.

May mga amo na nag tuturing sa kanila bilang parte na ng pamilya dahil sa dedikasyon at serbisyong kanilang ipinapamalas.

Ganoon na lamang ang pag aalala ni Pokwang sa tagapag alaga ng kaniyang anak. Makikita na sa isang post niya sa kaniyang IG Account na tila ba ay may nilalaman ang kaniyang caption.

’’More broccoli more fun for my tisay ng masa @malia_obrian #tisayngmasa!  Yes po malapit na namin i -aunch ang kanyang sariling youtube channel! SOON. Please lang sa mga mag-co-comment ng nega about bakit nauna si ate Gina ang tumikim sa pagkain ng bata?

1- Niramdam nya kung mainit ang pagkain, natural ayaw nya mapaso ang bata.
2- Hindi po ako MAARTENG AMO!! 3-napaka blessed ko dahil mahal na mahal nya ang anak ko!
4- My Child my rules!!! 5-masipag po ako mang BLOCK para sa ikawawala ng stress. Salamat po and God bless!’’

Tunay ngang kay buti ng loob ni Pokwang dahil lubos niyang pinahahalagahan at pinoprotektahan ang sino mang malapit sa kaniya at kailanman ay hindi niya hahayaang maapi ang mga ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)