Hindi madaling makahanap ng trabaho kaya naman sinasabi nila na habang nag- aaral ka pa lamang ay dapat pinag iisipan mo na ang mga bagay na nais mong gawin sa susunod na mga taon.

Pangarap na nais mong maisakatuparan at trabaho na nais mong gawin sa pang habang buhay.

Kapag nga naman gusto mo talaga ang iyong ginagawa, kahit na anong hirap pa na danasin mo ay hindi na alintana sa iyo.

Kagaya na lamang ng isang reporter na iito na kung saan talaga namang makikita ang matinding dedikasyon sa kaniyang pag tatrabaho.

Nilusong lang naman ng reporter na si Azadae Hussasin mula sa Kot Chutta bansang Pakistan ang hanggang leeg na baha.

Katwiran niya, nais niya daw ipahatid sa lahat ng manunuod kung gaano kalala at kahirap ang dinaranas ng mga tao sa lugar.

Makikitang ulo na lamang ni Azadae ang nakikita at ang kaniyang mikropono. Hindi biro ang ginawang sakripisyo ng reporter na ito.

Nawa’y madami pang kagaya niya ang gumagawa nito upang makapag hatid ng akma at totoong balita sa mga tao.

Ang baha ay dahilan daw ng palagiang malakas na ulan at tabi pa ng umapaw na Indus River.

Samantala, madami naman din ang nag alala sa ginawa ni Azadae. Gayun pa man, madami din ang humanga sa kaniya.