Sabi nila, isang mababang trabaho daw ang pagiging isang construction worker.

Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang trabahong ito ay isa kailangan natin lahat para matayo ang mga gusali, kabahayan, opisina, eskwelahan, 0spital, building o ano pa man establisyemento.

Isa din ito sa pinaka-mabisang paraan upang makatuklas ng mga misteryong bagay sa ilalim ng lupa.

Kagaya na lamang ng mga construction workers na ito na kung saan lubos at wagas ang kanilang saya nang makahukay ng limpak limpak nap era na nakabalot sa isang plastik.

Kanila itong pinag hati- hatian at naipamahagi pa sa ibang taong nanghingi sa labas.

Nangyari lamang ito kamakailan sa Barangay Telaje, Tandag City, Surigao del Sur.

Agad nila itong dinala sa bangko upang ipapalit ngunit sa kasamaang palad, hindi na ito tinanggap ipinaliwanag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na wala na itong halaga dahil mga luma ito at demonetized na dahil sa pagitan ng 1985 at 2017 pa ito nailimbag.

Tinatayang nasa 300k hanggang 500k ang nahukay na lumang pera. Umabot sa otoridad ang balita kaya agad naman din nila itong kinumpiska dahil maaari daw itong gamitin upang makapanloko ng tao.

Isang malaking katanungan kung bakit mayroong ganoon kalaking pera sa ilalim ng lupa at bakit hindi na ito nagawang hukayin pa ng may- ari.

Hinala ng iba, malamang ito daw ay kabayaran sa isang iligal na transaksyon noon.

Nakakalungkot isipin na ang perang iyon ay wala nang halaga ngunit souvenir na lamang.