Ang pagging Seaman ay isang uri ng trabaho na hindi madali, dahil bukod sa hirap sa trabaho ay kasama na rin dito ang paglayo sa pamilya at kailangang tiiisin ang lungkot na mawalay muna sa kanilang pamilya, kaibigan o kasintahan.

Talaga naman na napakahirap na mawalay ka sa pamilya lalo na sa mga araw na importante para sainyo o sa isa sa kapamilya mo kasama na rin ang mga oras o araw na kailangan ay may mag-aalaga sayo.

Kaya naman marami sa mga batang Seaman na may kasintahan ay napapabilang sa mga relasyon na kung tawagin ay “Long Distance Relationship”.

Kaya kung ikaw ay may kasintahan at kayo ay magkalayo hindi sapat ang pagmamahal dapat ito ay may kasamang pagtitiwala dahil ito ang napaka halagang kasangkapan para sa magkasintahang malayo sa isa`t isa.

Samantala, isang Seaman ang nag post sa social media ng kanyang pagkadismaya sa kanyang dating kasintahan.

Siya si Kien Morales Cartagena, sa kanyang Facebook post ibihagi niya ang isang sceenshot ng paguusap nila ng dati niyang kasintahan kung saan sinabi ng babae na nabuntis siya ng ibang lalaki.

Kasama sa mensahe ng babae ang pakiusap kay Kien na wag na kausapin ang nakabuntis sa kanyang lalaki para maiwasan ang gulo.

Dahil sa pangyayaring ito hindi naiwasan ni Kien na maglabas ng kanyang nararamdaman sa kanyang social media account.

“Just wow. Yung ganitong uri ng babae. Na habang ako’y nasa barko at umaasa naman pala sa wala. Habang pala nagtrabaho ako, siya naman nag patrabaho sa iba.

Just wow. Petmalu ka girl. i-tag sana kita kaso naka block na pala ako. hahaha Pero ok lang masaya kana eh sa mga panloloko mo sa akin. Kung nakipag-usap ka lang sana sa akin ng formal hindi na hahantong sa ganito kaso wala eh.

Nakakab4stos ka. Di mo alam ang nararamdaman ko habang di ka makausap, pero salamat. Sana wag pamarisan ang tulad mong babae.

Wag kang mag alala. Wala ako time mag-chat sa bf mo, sayang ang oras ko. Anyway goodluck sa buhay mo. Pinatunayan mo lang Seaman na talaga niloloko ngayon.” post ni Kien.

Maraming netizens ang nalungkot sa sinapit ni Kien at ang iba ay nagbigay ng komento at payo para kay Kien.

“Move-on nalang bro, hayaan mo sila hindi mo deserve ang ganon tao kalimutan mo na siya isipin mo nalang pamilya mo para hindi ka ma stress diyan sa work mo. May dadating na mas maayos at higit sa kanya” Mula sa isang netizens.

“Hindi pa katapusan pre, Siya ang nawalan hindi ikaw tandaan mo yan” Dagdag ng isang netizen.

Inulan naman ng batikos ang dating kasintahan nito, Ngunit nagawa pa din ni Kien na ito ay ipagtanggol sa mga netizens.

“Good day po mga Ma`am and sir. Kung pwede lang po wag na natin masyado sabihan ang babae ng masasakit na saita. Matagal na po tan hayaan nalang natin kung saan siya masaya.

Parehas na kami may kanya-kanyang buhay at naka move on na rin kami at naka-pagusap na. tao lang din po yun nagkasala. Tsaka hindi na masama ang loob ko sa kanya. Diyos nalang bahala sa mga taong ganun. Thankyou and Godbless” Mula sa post ni Kien.