Natatandaan niyo pa ba Aktor at Dancer na si Wowie De Guzman? Ito na ang kanyang buhay simula ng iwan niya ang mundo ng Showbiz.

Ang pagkakaroon ng sariling pamilya at anak masasabi mo naman talang biyaya na bigay ng Poong Maykapal.

Ngunit sa kabila nito hindi madali ang pagiging magulang marami itong nakapataw na obligasyon at responsibilad talaga naman hindi madali ngunit paano pa kaya kung ikaw ay nag-iisa na nagtataguyod sa iyong anak.

Ito ngayon ang kinahaharap at buhay ngayon ng dating sikat na dancer actor na si Wowie, Taong 90`s ng sumikat si Wowie siya miyembro noon ng isa sa pinakasikat na grupo ng mga mansasayaw na “Universal Motion” kasabayan nila noon ang grupong “The Streetboys”.

Hindi lang sa pagsasayaw nakilala at sumikat si Wowie dahil taong dekada 90 ay isa si Wowie sa magagaling at sikat na aktor dahil sa angking galing nito sa pag-arte at nakaparehas niya rito ang sikat at magaling din na aktres na si Judy Ann Santos.

Hindi nagtagal ay pumatok ang kanilang tambalan at nagkaroon sila ng mga rom-com Movies.

Ngunit hindi nga siguro talaga pang-habang buhay ang pag-arte ilang taon ang lumipas at iniwan na nga ni Wowie ang mundo ng showbiz para magpakasal sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Sheryl Anne at sila ay biniyayaan ng magandang anak na babae.

Samantala, Ang masaya sanang ending ng buhay ni Wowie ay nauwi sa kalungkutan ng bawian ng buhay ang kanyang kabiak noong 2014 isang buwan ang nakakaraan simula ng isilang ang kanilang anak.

Lumipas ang ilang buwan ay mag-isang binuhay ni Wowie ang kanyang anak at siya ay nagpakatatag at naging positibo sa kanyang buhay para sa kanilang anak.

Sa kanyang interview sinabi ni Wowie na:

“Super. I`m thankful na sobrang daming blessing, especially sa career. Hindi ako masyadong visible sa TV, pero sobra iyong mga trabahong dumadating sa akin bilang isang dancer”.