Naaalala niyo pa ba si John Wayne Sace? Siya ay isang miyembro ng isang Boy Dance Group sa isang sikat na sikat na Kapamilya Sunday variety show na ASAP.

Isa sa kaniyang mga nakaraang interview kay Korina Sanchez sa kaniyang TV magazine show na Rated K, inamin ni John Wayne Sace na gumamit siya ng pinagbabawal na gam0t maging ang pinaniniwalaang herbal m3dicine.

Bukod pa don, inamin niya din na nasangkot siya sa Philippine National Police (PNP) Oplan Tokhang na ipinatupad ng ating Presidente na si Rodrigo Roa Duterte.

Ang young star na si John Wayne Sace ay ipinanganak noong May 9, 1989 at pinalaki ng kanilang lolo at lola. Siya ay kilala ding miyembro din ng Star Magic.

Bago mamatay ang kaniyang lolo at lola, siya ay isang napaka mapag mahal at mapag arugang apo sa kanila. Pagkat itinuturing niya na itong kaniyang tunay na mga magulang.

Nang mamatay ang kaniyang lola, ito na ang naging udyok ng simula niya sa kaniyang mga personal na problema. Siya ay nasa edad na 28 nang siya ay mag kaanak at umalis sa showbiz industry kasama nito.

Sinubukan niyang mamasukan sa mga iba’t ibang trabaho upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Siya ay naging Cake delivery boy, internet café attendant at marami pang iba.

May isang malagim na insidente ang nangyari sa Pasig City na kung saan siya ay na- !njury nang siya ay bar!lin ng isang naka-motorsiklong rider na siyang [email protected] ng kaniyang kaibigan.

Dahil dito, nagdesisyon siyang baguhin at mag simulang muli sa kaniyang buhay.

Noong taong 2018 ay nakitaan din ng malaking pagbabago kay John Wayne Sace matapos ang kanyang mga pinagdaanan.

Naging aral din sa kanya ang mga nangyari sa kanyang buhay na pinagdaanan hirap at pag-iibang dereksyon ng kanyang buhay noon.

Makikita din ngayon kay John Wayne Sace ang pagbabalik ng kanyang malusog na katawan, malinis muli tignan at mahalin ang pamilya at sarili.