Sikat sa Pilipinas ay ang mga street foods na kung saan ay abot kaya at talaga namang sinusubukan at tinitikman ng mga dayuhan ngunit ang iba ay nangangamba pagkat lingid sa kanilang kaalaman kung paano ng aba ito ginagawa.

Kagaya na lamang ng isang tinder ng samalamig na nakuhanan ng video na kung saan ang yelo na kaniyang ilalagay sa kaniyang paninda ay sa lapag lamang tinilad!

Ito ay ibinahagi ni Sucayre Marco Francis sa Facebook Page ng Manila Public Information Office.

Mabilis na nag viral ang video dahil madami din ang ilang sites ang nagbahagi nito maging ang mga concerned netizens na nais paalalahanan ang ating kapwa.

Mapapanood sa video ang tinder na ito na na naglalakad sa tabing daan kung saan doon siya nakapuwesto para magtinda.

Sa umpisa ay hindi mapapansin ang mali sa naturang video ngunit ilang Segundo ang lumipas, kitang kita kung paano niya hatiin ang yelo sa lapag mismo ng semento na wala namang kahit na anong sapin sa ilalim.

Niluglugan niya ito ng tubig mula sa isang balde na hindi rin nakakasigurado kung ito ba ay malinis o madumi.

Hindi naman natin maitatanggi na mayroong mga pasaway na Pinoy ang dumudura sa kung saan saan maging ang mga sapatos na pinang-aapak ay nakarating na din sa iba’t ibang lugar.

Mas naging delikado na an gating panahon ngayon kaya naman mahalaga ang mga ganitong impormasyon upang mabalaan ang lahat.