Marahil marami ang nakakakilala sa comedian/host na si Vice Ganda dahil isa siya sa pinakasikat ngayon na personalidad sa mundo ng showbiz.

Makikilala din si Vice sa kanyang nakakatuwang jokes at mga pick-up lines.

Si Vice ay isa rin sa mga host ng noontime show sa ABS-CBN na “It`s Showtime” at sa kanyang sariling show tuwing weekend na “Gandang Gabi Vice”.


Hindi lang kilala si Vice Ganda sa pagiging magaling magpatawa bagkus kilala din siya dahil isa siya sa mga artista na may mabuting puso at matulungin.

Sa kanyang kasikatan ay hindi naman lingid sa atin na nagkaroon ng mga karelasyon si Vice na hindi isinasapubliko upang maiwasan pag-usapan at kanyang partner.

Ayon naman kay Vice marami sa naging kanyang nakarelasyon ay hindi sinuklian ang kanyang pagmamahal bagkus siya binalewala lamang.

Sa isang press conference na ginanap para sa pelikulang “The Mall The Merrier” noon, sinabi ni Vice na;

“Maraming pagkakataon in may past na may minamahal din naman ako, pero hindi naman ako minahal. May mga taong pinili`ko, pero hindi naman ako ang pinili”.

Pero ayon sa comedian ang kanyang love story ay nagbago na. Dahil ito ay naging mas makulay ng makilala niya ang kanyang partner ngayon na si Ion Perez.

Sinabi rin ni Vice sa nasabing press conference na masaya siya ngayon dahil ang pinili niyang mahalin ay minahal din siya.

Isa sa mga hindi makakalimutan ni Vice na sinabi ni Ion na hindi matanggap ni Ion na kung bakit kelangan itago ang kanilang relasyon na kung saan naramdaman ni Vice ang sincerity ni Ion at kung gaano nga ito tunay na nagmamahal.

Dagdag pa ni Vice na si Ion Perez na ang kanyang “The One” dahil si Ion ang kaya siyang panindigan kayang hawakan ang kamay kahit marami pang mata ang nakatingin sa kanila.

Masayang masaya si Vice Ganda ngayon sa kanyang buhay kasama si Ion ayon pa sa kanya ang kanilang relasyon ay halos isang taon na mahigit.