Para sa mga magkasintahan o magkarelasyon ang maikasal sa taong pinakamamahal natin ay ang isa mga pina-pangarap natin.

Dahil ang kasal ay sagrado at isang beses lamang tayo ikakasal sa tanang buhay natin kung kaya’t ito ay pinaghahandaan at pinaglalaanan ng panahon at oras.

Dahil ang kasal din ay isang okasyon para sa magkasintahan na hindi makakalimutang pangyayari sa kanilang pagsasama.

Sa pagpapakasal marami ang dapat gawin, tulad nalang sa preparasyon kailangang asikasuhin tulad na lamang ng lokasyon, kasootan sa kasal, mga pagkain at siyempre ang mga mag lilitrato.

Dahil naman sa pagdaan ng panahon at pagkakaroon ng matataas na teknolohiya mas naging maganda at kakaiba ang mga itsura ng litrato ngayon.

Mas lalong napapaganda pa ang mga larawan dahil mayroon narin ngayon ‘edited picture’.

Kailan nga lang ay nag viral ang isang larawan ng magkasintahan sa social media, dahil kakaiba ang kanilang “wedding shoot’ na kinuhanan sa ilalalim ng dagat.

Ito ay naganap daw sa karagatan ng Tawin, naisip ng magkasintahang Derek at Natural na dito gawin ang photoshoot para sa kanilang kasal.

Malaking tulong sa kanila na magawa ang kanilang pinapangarap na wedding shoot sa tulong ng isang professional photographer.

Samantala, bago ganapin ang photoshoot at bago sila mag pose ay nakasoot muna ang dalawa ng mga swimming gear upang maging handa para sa kanilang photoshoot bago nila ito tanggalin.

Makikita sa larawan na ang soot ni Natural ay naka puting gown na pangkasal at si Derek naman ay puting polo at itim na pantalon.

Lalong naging maganda ang kuha sa kanila dahil sa ganda rin ng kanilang soot dagdag pa diyan ang galing nilang mag-pose kahit nasa ilalim ng tubig. Kung kaya’t napakaganda ng kinalabasan at kamangha-mangha.

Talaga naman na nakakabilib ang magkasintahan na ito at nakakatuwa din na sa pagdaan ng panahon ay umuunlad din ang kakayahan ng mga tao at imahinasyon. Sana lamang ay sa ginawa nilan photoshoot ay walang maapektuhan lamang dagat.