Sa mga nagdaang araw ay matinding hamon ang kinaharap ng maraming Pilipino dulot ng mga bagyong dumaan. Dahil pagkatapos ng malakas na bagyong Rolly na humagupit sa bansa sumunod naman ang napakalakas din na bagyong Ulysses.

Maraming Pamilyang ang naapektuhan at nawalan ng mga tahanan dahil sa matinding baha at hangin ng bagyong Ulysses. Sa kasamaang palad ay marami din ang nasawi, nasugatan at hanggang ngayon ay hindi makabangon sa pangyayaring ito.

Samantala, Buti na lamang at kahit sa hirap ng buhay sa panahon natin ngayon na maraming kinahaharap na problema ay mayroon parin ilang mga organisasyon at mga personalidad ang nagpapaabot ng tulong sa mga biktima ng bagyong Ulysses.

Isa na nga dyan ay ang sikat na host at komedyante na si Willie Revillame.

Hindi naman bago ang pagtulong ni Willie sa publiko dahil noon pa man ay marami ng Pilipinong mahihirap ang natutulungan ng aktor host lalo na sa kanyang programa sa telebisyon.

Hindi rin nagdadalawang isip na magpa-abot ng tulong si Willie sa mga Pilipino na nakakaranas ng mga kalamidad tulad noon pumutok ang Bulkang Taal, kumalat ang C0’VID at ngayon nga ay ang pananalasa ng bagyong Ulysses.

Kamakailan nga lang Ika-13 ng Nobyembre ay ibinahagi ni Willie ang kaniyang pamamaraan para makatulong sa mga naapektuhan ng mapanirang bagyo.

Ayon kay Willie kanyang ipinagbili ang isa sa kaniyang mga sasakyan at ito ay naibenta sa halagang pitong milyong piso at ang lahat ng ito ay ibibigay niya sa mga nasalanta ng bagyo.

“Aanhin ko ho `yung kotse kung marami akong kababayan na naghihirap? Kahit magbenta pa [ako] ng kahit anong pag-aari, pag-aari mo na hindi mo na kailangan. I think this is the right time.” Pahayag ni Willie.

Dagdag pa diyan bukod sa pitong milyong piso na napagbentahan ng kaniyang sasakyan ay magpapaabot pa ng limang milyong piso si Willie para sa mga naapektuhang residente ng Marikina at Montalban.

Tunay nga na isang hulog ng langit si Willie para sa mga Mahihirap na Pilipino at dahil diyan talagang naantig ang puso ng maraming Pilipino dahil sa ginagawang pagtulong na ito ni Willie Revillame. Saludo kami sayo Sir Willie Revillame isa kang tunay na Pilipino!