Nakakamangha nga naman na sa mga murang edad pa lamang ay lumalabas na ang mga talento at kakayanan ng isang bata.

Nararapat lamang na turuan ang mga anak ng mga bagay na magagamit nila sa kanilang paglaki. Dito din makikita ang potensyal nila sa pagiging magaling sa isang bagay.

Ngunit ang batang ito ay binigla ang mga netizens at manunuod dahil sa kaniyang angking dunong sa pagluluto sa edad na 3 taong gulang!

Makikita sa isang video sa Youtube ang batang ito na ipinapakita ang proseso ng pagluluto ng tinatawag na Tasty Hilsa/Elish Fish Curry.

Mula paghuhugas, paglilinis ng isda hanggang sa paglalagay ng sangkap ay ginawa ng 3 taong batang ito.

Makikitang hinuhugasan at tinatanggalan ng kaliskis ang isda. Inilagay sa malaking kawali at saka nilagyan ng mga pampalasa gaya ng green chili, coriander powder, cumin, red chili powder, turmeric powder at kanin.

Iba din ang lakas na taglay ng kaniyang katawan pagkat nakuha niyang buhatin ang napakabigat na kawali upang ipatong sa lutuan na ginatungan ng kahoy.

Makikitang siya din mismo ang nagbabantay at nag kokontrol ng apoy upang maluto ito ng maayos at wasto.

Matapos ang maprosesong pagluluto ay hinainan niya ng kaniyang inulutong pagkain ang kaniyang mga kalaro.

Umabot na sa 76,279,523 views ang naturang video. Bilib na bilib ang mga netizens sa abilidad ng batang ito. kung ngayon pa lamang ay magaling nang magluto, ano pa nga naman kapag ito ay nag-dalaga na.