Ang mga malikhaing pag iisip ng mga Pilipino ay tunay ngang nakakabilib. Sa katunayan, may kakayanan ang bawat tao na gawing posible ang mga imposible kahit pa kulang ito sa gamit.

Ang mga luma o patapon na gamit ay maaaring mag mukhang bago at maaari ding pag gamitan sa ibang pang bagay.

Kagaya na lamang ng nasa larawang ito na kung saan ang ataul ay ginawang aquarium na ipinost ng isang Facebook Page na Papa.

Ang larawan ay mula sa isang netizen na kinuhanan ng litrato ang bakuran ng kanilang kapit- bahay pagkat ang buong akala niya ay may lamay.

“ANO BA NAMAN TONG KAPITBAHAY NAMIN AKALA KO MAY LAMAY HAHAHAHAHA AQUARIUM PALA”

Kung titingnan sa malapitan, ang ataul ay gawa sa kahoy. Doon pumasok ang pagiging malikhain ng Pinoy na kung saan ginawang divider ang net at ilagyan ng plastic ang loob ng ataul upang hindi tumagas ang tubig.

Sinasabing hindi na din kinakailangang bumili ng mamahaling oxygen pagkat wala namang tabing ang itaas nito kaya libre na din ang hangin para sa mga isda.

Ayon sa may- ari nang hihinyang lang daw siyang itapon ang ataul kaya namang inisipan niya ito ng iba pang mapag gagamitan.

Tunay ngang malayo ang aktuwal na gamit ng ataul na lagayan ng mga taong binawian na ng buhay para lamang gawing aquarium na pang mga buhay na alagang isda.

Halo halong reaksyon mula sa netizens ang natanggap ng post. Gayun pa man, muli nanaman nating napatunayan na ang Pilipino ay likas na malikhain.