Marami sa atin ang mahilig mag-alaga sa kanilang tahanan ng mga hayop tulad ng aso at pusa sila ang kung tawagin ay mga animal lover.

Marami na nga tayo na saksihan na mga kuwento tungkol sa mga aso kung gaano ito katapat sa kaniyang amo kung paano ito ipagtanggol o kung gaano ito malungkot kapag nawala ang kanyang amo.

Ngunit kakaiba ang isang kwento na ito na tungkol sa isang pusa na nangungulila sa pagkawala ng kanyang amo ito ay ibinahagi sa social media ng netizen na si Fred Erwin Tolentino Valdez.

Ayon sa netizen malapit daw sa kanya ang pamilyang may-ari ng pusa kaya naman nasubaybayan nito ang kakaibang samahan ng amo nito na si Nene at ang alaga nitong pusa.

Noong nabubuhay pa raw si Nene ay kapansin-pansin umano ang pagkamalapit ng dalawa natutulog ang alaga daw nitong pusa sa tiyan ni Nene mismo o kaya naman minsan ay katabi ito ng mukha ni Nene bago matulog.

Ngunit noong ika-22 ng Agosto namayapa bigla ang amo nito ng dahil sa karamdamang iniinda nito. Nang dalahin ang katawan ni Nene sa punerarya ay kapansin-pansin umano ang alaga nitong pusa na wari`y hindi mapakali at paikot ikot sa bahay para hanapin ang kanyang amo.

Kaya naman simula ng iburol ang kanyang amo na si Nene ay lagi itong nasa itaas ng kabaong kung saan nakahimlay ang kanyang amo.

Ibinahagi ni Fred ang kanyang kuhang larawan na makikita ang isang alagang pusa na nasa ibabaw ng kabaong at kita rito ang kalungkutan at pangungulila sa kanyang amo.

Dahil naman sa post na ito ni Fred ay maraming mga netizen ang naantig sa kwentong ito lalo na sa mga animal lover.

Ito ay nagpapatunay na may puso rin ang mga hayop at tulad nating mga tao nasasaktan din sila lalo na kapag ang mahal nila sa buhay ay nawala tulad ng kanilang amo.

Kasama ng ibinahaging kwento ni Fred ay may ipinaabot siyang mensahe para sa ating mga mahilig mag-alaga ng hayop.

“Let’s love our pets unconditionally. They will return the favor of a thousand times more. If animals can be loyal, how much more, WE, US humans.

True story… na touched gyud ko.Happening just now..We all have heard of stories about the loyalty of animals,…

Posted by Fred Erwin Tolentino Valdez on Wednesday, August 26, 2020